Advertisers
NATIMBOG ng kanyang mga kabaro ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa anti-illegal drug operations sa Quiapo, Maynila nitong Linggo ng madalin- araw .
Kinilala ang naaresto na si PMSg Rodolfo Mayo, Jr., 48 anyos, miyembro ng SOU NCR, PDEG, at nakatira sa Manggang Marikit, Guimba, Nueva Ecija.
Sa ulat ng Manila Police District (MPD), nagsagawa ng hot pusuit operation 2:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Quezon Bridge sa Quezon Blvd. ang mga tauhan ng PDEG SOU 4A (PNP Drug Enforcement Group -Special Operations Unit 4A) kasama ang iba pang unit ng pulisya sa koordinasyon ng MPD-Station 3 at MPD Drug Enforcement Unit.
Nag-ugat ang operasyon sa matagumpay na anti-illegal drugs operation noong Oktubre 8, 2022 ng hapon sa Jose Abad Santos St., Tondo, Maynila (Brgy. 252, Zone 23) laban kay Rey Atadero alyas “Mario” na isinasangkot si PMSg Mayo, Jr. bilang co-conspirator sa iligal na pagbebenta ng mga illegal na droga kungsaan natagpuan sa loob ng opisina ng Wealth & Personal Development Lending Inc. sa 1742 J.Abad Santos Avenue, Sta Cruz, Maynila.
Nakuha sa lugar ang dalawang kilo ng shabu na tinatayang nasa P13.6 million, assorted bank accounts, baril at iba pa.
Ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay pansamantalang nasa kustodiya ng SOU 4A PNP DEG para sa tamang documentation at disposition. (Jocelyn Domenden)