Advertisers
INALMAHAN ni Senador Cynthia Villar, chairman ng Senate committee on environment, natural resources, and climate change, nang talakayin ang reclamation project sa budget hearing para sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) kahapon.
Ikinagalit ni Villar nang marinig na ang reclamation project malapit sa Manila-Cavite Expressway o CAVITEX ay nakatanggap ng ECCs.
Nagpantig ang tainga ni Villar nang marinig na ang isa sa mga ito ay nasa coastal road sa bahagi ng Cavitex.
“Huwag ’nyong gagawin sa akin ’yan, t—–a mo. Dumating ka dito galing ka sa Cebu, ginulo mo kaming lahat,” diin ni Villar habang nanggagalaiti kay DENR-Environmental Management Bureau Director William Cuñado na sumasagot sa kanyang mga katanungan.
“Ang kapal-kapal naman ng mukha ’nyo. Alam ’nyo nang babaha kami nang katakot-takot, ayaw ’nyo pang tigilan ’yan,” sabi ni Villar patungkol sa kanilang lungsod ng Las Piñas.
Sinabi pa ni Villar na binalaan niya ang mga opisyal ng pamahalaang lungsod ng Bacoor sa Cavite, na kabahagi ng border sa Las Piñas dahil ang reclamation ay magdudulot ng anim hanggang walong metro ng baha sa kanyang lungsod.
“It took me 10 years to clean my river so there will be no flooding, tapos sasarhan niyo iyong daan ng river ko?” aniya pa.
“I cleaned 30 kilometers of river, ba’t hindi sasama loob ko?” hinaing pa ng senadora.
Sa panig naman ng DENR, sa kasalukuyan ECC pa lang at hindi pa umano nagsisimula ang proyekto dahil kailangan pa itong aprubahan ng Philippine Reclamation Authority at Office of The President. (Mylene Alfonso)