Advertisers

Advertisers

2 Pinoy sa US takbong konsehal

0 153

Advertisers

DALAWANG Pinoy sa isang siyudad sa California, United State of America (USA) kabilang ang isang bulag ang tumatakbong konsehal.

Sa darating na Nobyembre 8 ng taon kasalukuyan gaganapin ang local na halalan sa California.

Isa si Ollie Cantos na tumatakbong konsehal sa ikaapat na distrito ng West Covina sa California na may 109,000 bilang ng mga residenteng Pinoy.



Ipinanganak si Cantos na bulag at hindi naging hadlang ang kanyang kapansanan sa pagbibigay serbisyo publiko sa mga mamamayan ng America. 20 taon siyang naging general counsel sa Washington DC.

Simula ng taon 2004 naging bahagi si Cantos ng Justice Department, naging associate director for Domestic Policy sa White House.

Sa kasalukuyan, nagsisilbi si Cantos bilang Special Assistant sa Office of the Assistant Secretary ng Education Department’s Office for Civil Rights.

Ang isa pang Pinoy na kandidatong konsehal sa ikalawang distrito ay si dating Mayor Letty Lopez-Viado.
(Lordeth B. Bonilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">