Advertisers

Advertisers

Panukala ni Sen. Bato na i-decriminalize ang paggamit ng mga iligal na droga…‘KALOKOHAN YAN!’

0 216

Advertisers

KONTRA ang anti-drugs advocacy group sa isinusulong ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na ‘decriminalization’ sa paggamit ng mga iligal na droga. Delikado raw ito sa komunidad.

“Yang panukala na ‘yan, maganda sa pandinig pero kalokohan po ‘yan,” sabi ni Anti-Drugs Advocate, Laban ng Pamilyang Pilipino chairperson Jonathan Morales sa panayam ng media.

Sinabi ni Morales na dapat ay ka-bahagi ang psychologists o psychiatrists sa pagsusuri sa panukala dahil alam ng mga ito ang “state of mind” ng mga gumagamit ng droga.



“Kapag ‘yan inihalo natin sa community, delikado lalo na kapag i-decriminalize natin ‘yan kung ang punto lang o layunin ay ma-decongest ang mga kulungan,” diin ni Morales.

Aniya, ang dapat gawin ng gobyerno ay ayusin ang pasilidad ng mga kulungan para hindi magsiksikan ang mga bilanggo.

Sinabi ni Dela Rosa, retiradong PNP Chief, na gusto niya i-decriminalize ang paggamit ng illegal drugs para mapaluwag ang mga kulungan at ikonsiderang ang drug addiction ay isang health issue sa halip na maging problema ng law enforcement.

Sabi ni Dela Rosa, sa halip na ipasok sa kulungan, ang mga adik ay dalhin nalang sa rehabilitation centers.

Pero sinabi ni Morales na ang korapsyon ay malaking isyu sa rehabilitation centers, problema rin ang management, administration, logistics, at monitoring sa mga pasilidad.



“Ito yung mga nagkakaroon ng lagayan sa mga center sa pagitan ng mga pasyente at mga kumukupkop sa kanila. Nakakapagbigay ng mga certification na ito’y magaling pero sa totoo lang hindi pa,” sabi ni Morales.

Ang mga pasyente na nagbabayad ay binibigyan ng mga prebilihiyo at special treatment habang nasa rehabilitation centers, sabi ni Morales.

Pinunto ni Morales na maliit na porsiyento lamang ng users ang hindi pushers dahil karamihan sa mga ito ay nagtutulak ng iligal na droga para may pambayad sa kanilang paggamit.