Advertisers
Patay ang 18 anyos na lalaki nang pagsasaksakin ng ‘di pa kilalang salarin sa harap ng isang paaralan sa Quezon City.
Sa report ng pulisya, kasama ng biktima ang 16 anyos na lalaking kapatid at isa pang pinsan na lalaki habang nasa harap ng San Francisco High School.
Bigla umanong dumating ang babaeng kaklase ng kapatid ng biktima kasama ang isang lalaki.
Itinuro ng umano ng babae sa kasama nito ang kapatid ng biktima at dito na pinagsasaksak ang tatlo.
Ayon sa pinsan ng mga biktima nitong nakalipas na Linggo, nabalitaan niya na may kaalitan ang tatlo nguni’t inakala niyang away-bata lang ito.
Nagpapagaling na sa ospital ang 2 biktima na nagtamo rin ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Kasalukuyang pinaghahanap ng mga pulis ang dalawang salarin kabilang ang isang Grade-8 na babae at kasama nitong lalaki.