Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya sa mga batang artista na nang-isnab sa kanya sa isang event.
Aniya, kahit hindi pa oras para isalang ang mga batang artista ay isiningit sila sa program flow dahil nagmamadali ang mga ito. At kahit binati niya ang mga ito ay hindi siya pinansin.
Post ni Tuesday published as it is, “Mga batang artista, kahit gaano kayo ka-sikat at pinagkakaguluhan ng mga tao, mag-hello kayo sa kapwa nyo artista pagdating sa work. Lalo na sa nakakatanda.
“Sumingit na nga kayo sa program kasi nagagalit na ang handler nyo at bawal ata kayong pinaghihintay.
“Tapos ako pa ang nagbigay galang sa inyo, dinedma nyo pa ako.
“Tandaan, madaling maabot ang fame. Longevity is harder.
“Pakabait ok? Huwag ganun.”
Sino kaya ang mga batang artista na tinutukoy ni Tuesday?
***
PANGARAP ni Randy Santiago na sa susunod na taon ay makapag-record ng bagong kanta at maka-collab ang mga young and talented artists ngayon.
Sabi ni Randy, “Ang uso kasi ngayon di ba, yung mga collab, so I’m thinking aside from having yung mga co-generation ko, ang gusto kong mangyari yung mga ka-collab ko yung mga bata.
“Ang gusto ko nga gumagawa ako ng mga kanta para sa mga bata. Kasi yung mga kinakanta ko medyo novelty na, and minsan nararamdaman ko na parang hindi na bagay sa akin yung mga ganu’n.”
Patuloy niya,”So yung naughty sides ko lalo na when I write songs gusto ko nang ibigay sa mga bata. Basta may mga suprises, eh, na sana matuloy.”
Nagpapasalamat din ang beteranong singer na sa kabila ng maraming bagong singers na nagsusulputan ngayon ay marami pa rin ang kumukuha sa kanyang serbisyo para mag-perform sa mga show sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
“Nagpapasalamat talaga ako sa tiwala ng mga producers for still getting me. Of course, we’ll have to take care of ourselves, di ba?
“So kapag inaalagaan mo ang sarili mo at nakikita naman na wala kang bisyo at medyo maayos ka naman career mo and whatever you’re doing sa industriya nando’n yung mga producers and everybody.
“Kasi ano sila, eh, uhaw na uhaw, eh. Kahit sa Amerika when I got there, galing lang ako doon nu’ng May and June when I did my first tour, ang saya, eh. Parang bumalik na nga sa dati ang lahat. So, I’m excited to do more shows din,” aniya pa.
Bukod sa gustong makapag-record ng bagong kanta, gusto rin ni Randy na makagawa ulit ng pelikula. Pero gusto niya ay isang comedy ulit, na gaya ng pelikulang ginawa nila ng dating karelasyon na si Maricel Soriano noong 1988, ‘yung Taray at Teroy.
At si Maricel ulit ang gusto niyang makasama kung makagagawa ulit ng comedy film.
“May concept na nga ako for that. Dahil long time ago na rin ‘yon kaya ‘yung mga anak na namin bale ang parang magkakagustuhan,” excited na sabi pa ni Randy.
Sana nga ay matupad ang wish ni Randy na magkatrabaho ulit sila ni Maricel sa isang comedy film..