Advertisers

Advertisers

Sunshine aminado, may problema sa mental health

0 158

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

MAY pinagdadaanan pala ngayon si Sunshine Dizon sa kanyang mental health. Inamin niya ito sa kanyang Instagram page.
Pinost ni Sunshine ang larawang nasa ospital siya at may larawan ng thermometer na nagpapakita na mayroon siyang lagnat.
Sabi niya sa caption, sana raw ay hindi ito COVID-19. Naging sentimental din siya at inaming marami siyang naging regret sa buhay.
“Unfortunately this is me. Hoping it`s not COVID again.
“Realization, some people will love you enough to move mountains just to be with you and some will have lame excuses because you are not and will never be their priority.
“I’m turning 40 next year. I have so many regrets, but I don`t know how to go back to where I used to be. This is not about work, this is about life altering decisions,” pahayag ni Sunshine.
“Laying in a hospital bed alone at 3 AM. I ask myself was it all really worth it?” patuloy ni Shine.
“I may never know the answers but I pray to God that I can let go of all my baggage, hurt and guilt. “Finally find someone who will sleep beside me in this small hospital bed till I fall asleep,” say pa niya.
Ipinagtapat niya kung ano ang kanyang pinagdadaanan, Aniya, na-diagnose siya na may PTSD (post-traumatic stress disorder) at iba pang mental health issues kasama na dito ang abandonment issues.
“And since I`m here alone feeling overwhelmed, guess it`s time to admit what I`ve been going through recently.
“Diagnosed with PTSD, Depression, Panic attacks, Abandonment issues and that`s just skimming the surface,” pahayag pa ni Shine.
Ibinahagi rin niya ang mga gamot na iniinom niya sa araw-araw.
Sa kabila ng pinagdaraanan ay pinipilt pa rin ni Shine na magpakapositibo at alam daw niya na makakayanan niya ito.
“There`s nothing to ask for help. I know it`s very hard to get stuck in your head. But we can do it, baby steps. One day at a time,” sabi pa ni Shine.
***
Tuesday dinedma ng dalawang batang artista
ANG sikat na comedienne/host at bagong Bubble Gang barkada na si Tuesday Vargas ay naglabas ng sama ng loob sa kanyang Facebook account tungkol sa na-experience niya sa dalawang batang artistang nakasama niya sa isang event.
May nag-react na observer na baka raw mga artist ng Star Magic, lalo`t sinabi ni Ms. Tuesday na hinaharangan siya ng “handler” ng naturang mga artista na inakala siyang isang “fan” na gustong magpa-picture. Ganu`n daw kasi ang repustasyon ng “ilang” artista sa naturang artist home.
Hindi na pinangalanan ni Tuesday ang dalawa na pinagkakaguluhan sa panahon ngayon at hindi naman maitatwa na kasikatan ng dalawang batang artista.
Post ni Tuesday, “Mga batang artista, kahit gaano kayo kasikat at pinagkakaguluhan ng mga tao, mag-hello kayo sa kapwa n`yo artista pagdating sa work, lalo na sa nakakatanda.
“Sumingit na nga kayo sa program kasi nagagalit na ang handler n`yo at bawal yata kayong pinaghihintay, tapos ako pa ang nagbigay-galang sa inyo, dinedma n`yo pa ako.
“Tandaan, madaling maabot ang fame. Longevity is harder. Pakabait, okey? Huwag ganu`n.”
Nabasa ito ng director na si Louie Ignacio na sinang-ayunan ang sinabi ni Tuesday.
“Jusko madaling malalaos `yang mga batang `yan sa ugali nila. Feeling sikat agad, ha. Nakakaloka,” say ni Direk Louie.
Sagot ni Tuesday, “Hayyy, direk. Sabi ko,`Hi_____! `Tuesday.` Tapos, abot agad ng kamay ko. Hindi ako pinansin, tapos si handler, hinarangan ako, kala magpapa-picture ako. `Kaloka.`
Ang dahilan daw ng pagmamadali ng dalawang batang artista, “Ayun! Kaya pala nagmamadali ang dalawa at sumingit sa program kasi um-attend pa sila ng isang event ng sponsor nila. Paid gig ito, mga anak. Sana di n`yo kinuha kung mag-a-attitude lang at magmamadali.”
Payo ni Tuesday sa dalawang artista na nag-dedma sa kanya, “Mahalin ang trabaho. Para mas madami pa kayong proyekto. Nakita ko pa talaga sa feel ko, eh. Nahuli ko tuloy.”
Sa huli napagtanto ni Tuesday, “Decided to delete my posts and will just leave this here instead because I am beautiful. Ganon. Beautiful things don`t ask for attention.”
Napapanood si Tuesday every Friday. 9:40 pm sa Bubble Gang sa Kapuso Network kung saan siya nakikipagbatuhan ng mga nakatutuwang joke sa BG barkada sa pangunguna ni Michael V.