Advertisers
NANINIWALA si Senadora Risa Hontiveros na hindi kailangan ang panukala para sa pagtatatag ng sovereign wealth fund (SWF) na salungat umano sa mga layuning pang-ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Hontiveros, mas magagamit ang badyet sa pagtugon sa mga kagyat na pangangailangan tulad ng edukasyon, pangangalaga sa kalusugan, at agrikultura.
“An SWF is meant to come from excess funds we just don’t have, as seen by our trillions-worth of debt. We don’t need an SWF and we clearly can’t afford it anyway. Kakain lang itong SWF sa budget na kailangan natin para tugunan ang mga krisis. Dapat unahin ang mga urgent priorities natin. Just like the misplaced confidential funds, an SWF is an unnecessary and unjustified move,” punto ni Hontiveros.
“Lalo lang aakyat ang presyo ng bilihin kung itutulak natin ito. Hirap na hirap na yung mga kababayan natin bumili ng pagkain at gamot sa ngayon. Instead of helping Filipinos afford everyday needs, we will be making it even harder for everyone,” banggit ni Hontiveros.
Sinabi pa ng senadora na ang ganitong uri ng investment fund ay delikado sa isang bansang umaasa sa langis tulad ng Pilipinas, hindi tulad ng kapitbahay nitong mayaman sa langis na Indonesia.
Sa kasalukuyan, ang trade deficit ng bansa ay nasa 7%, kabilang sa pinakamatataas sa mundo.
Pinanigan din ng Senador ang babala ni BSP Governor Felipe Medalla na kailangan natin ng mas maraming reserbang dolyar, hindi pababa.
“These are the most difficult times for central bankers, like Gov. Medalla. Gumegewang ang piso. Malinaw na walang sobrang dollar reserves na pwedeng i-subi para sa gustong Maharlika Fund. I do hope we get to keep him on board, even after he has publicly disagreed with the DOF Secretary” saad pa ni Hontiveros.
Kinuwestiyon din niya ang mga pahayag na ang mataas na demand para sa mga mineral ay maaaring magtaguyod ng sovereign fund.
“Sec. Diokno said that he is wishing for a Philippine commodity boom in copper, nickel and other mine-rals that are presently in great demand. But we have yet to see any change on the horizon. Wala pa naman iyon,” sabi ni Hontiveros.
Kaya naman hinimok ng senador si Sec. Diokno na sa halip, gugulin na lang nito ang kanyang oras sa pagbuo ng mga bankable at investment grade projects sa pribadong sektor, tulad ng pabahay, transportasyon at renewable energy, na makakaakit ng mga idle na domestic at foreign funds.
“We should focus on attracting different countries to invest in our projects. This is the better option to gambling the hard-earned pension of Filipinos in high-risk investments,” diin ni Hontiveros.
“I will be sure to bring these points up on the Se-nate floor at the proper time. For now, this so-called Maharlika fund is setting off many alarm bells. Long-term consequences will be felt if we establish a sovereign wealth fund prematurely,” pagtatapos ng senadora. (Mylene Alfonso)