Advertisers

Advertisers

BAD NEWS! TAAS SINGIL SA KURYENTE NGAYONG DEC.

0 221

Advertisers

INAASAHANG muling tumaas ang singil sa kuryente ng Meralco sa paparating na December bill, pahayag ng kompanya nitong Martes.

Ayon sa Meralco, tapos na kasi umano ang isa sa 4 na refund na inuutos ng Energy Regulatory Commission.

“There is a possibility of an upward adjustment this month. ‘Yong main contributor talaga nito ay ang pagtatapos o completion ng P0.47 per kilowatt hour na refund doon sa distribution-related charges namin,” pahayag ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga.



Bukod sa P0.47 ngayong Disyembre, tapos na rin ang 2 pang refund sa Enero at Pebrero 2023 kaya may pressure na dagdag-singil sa mga susunod na buwan.

Pero lumaki pa ang posibilidad ng pagtaas ng singil sa kuryente dahil sa serye ng yellow alert o pagnipis ng reserbang kuryente.

Nitong Martes, may yellow alert ulit sa Luzon pati Visayas dahil sa pagpalya ng 8 planta ng kuryente.

Kapag kaunti ang supply, nagmamahal din nag presyo ng kuryente sa spot market.

Aminado ang Natio-nal Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na puwedeng maging problemado ang sitwasyon ng kuryente pagdating ng summer kung ngayon pa lang ay marami nang pumapalyang planta.



Aabutin ng 5 hanggang 7 taon ang pagtatayo ng isang power plant kaya kailangang planuhin dahil taon-taon lumalaki naman ang pangangailangan sa kuryente dahil sa paglago ng ekonomiya.