Advertisers

Advertisers

12 anyos ginahasa at pinatay sa Davao

0 243

Advertisers

NATAGPUANG bangkay ang 12-anyos na babae sa isang sapa sa Toril district, Davao City nitong Miyerkoles.

Ayon sa pulisya, isang concerned citizen ang tumawag at sinabing may nakitang bangkay ng batang babae na hinihinalang ginahasa.

Base sa inisyal na findings, may mga pasa sa leeg ng dalagita, na senyales na sinakal ito.



Nakatanggal din ang saplot pang-ibaba ng biktima at may nakitang dugo sa ari nito.

Patuloy na iniimbestigahan ang krimen at inaalam ang pagkakakilanlan ng salarin.