Advertisers

Advertisers

Pumayat sa kulungan…Vhong magpapataba muna bago bumalik sa ‘It’s Showtime’; Kris may sakit na pero na-bash ulit

0 181

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MASAYA kami para kay Vhong Navarro para sa pansamantala nitong kalayaan.
Nitong Martes ng gabi, December 6, naglabas na ang Taguig Regional Court branch 69 ng order for release ng TV host-comedian na naka-detain sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Male Dormitory sa Taguig City.
Base sa order of release ni Vhong, “You are hereby directed to release from custody accused FERDINAND “VHONG” HIPOLITO NAVARRO for having filed the necessary cash bond in the amount of ONE MILLION PESOS (Php1,000,000) under Official Receipt No. 9022573 dated 06 December 2022, which cash bond is APPROVED by this court for his provisional liberty.
“This order is for the above-entitled case only and insofar as there exists no order in any other case to effect that he remain confined under your custody.”
Masayang-masaya ang asawa ni Vhong na si Tanya na pinayagang makapag-bail si Vhong. Kahit 1million pa ito, at least, ang mahalaga ay ang kalayaan ni Vhong.
“Sobrang, sobrang happy. It’s going to be a blessed Christmas, di ba? A very good Christmas for the family,” sabi ni Tanya sa kanyang panayam sa ABS-CBN News.”
Pero kahit nakalaya na si Vhong, hindi pa rin ito makakapag-report sa kanilang show na It’s Showtime. Magpapataba muna siya ulit, at magpapahinga.
Sigurado, sa pagbabalik ni Vhong sa kanilang noontime show ay magkakaroon dun ng selebrasyon.
Wish lang namin na tuluyan na siyang makalaya.
***
NAGBIGAY ng komento si Cristy Fermin patungkol sa naging birthday greeting ni Kris Aquino sa kanyang yumaong ama na si dating Sen. Ninoy Aquino na pinost niya sa kanyang Instagram account.
Sa kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na, sinabi ni Tita Cristy na tila hindi lang basta birthday greeting ang ginawa ni Kris para sa ama kundi pagpapatama rin daw ito sa bagong pelikula na ginagawa ni Darryl Yap na Martyr or Murderer.
Sabi ni Cristy.”Ok lang naman po yun e, wala namang masama. Okay lang naman nating alalahanin ang mahal sa buhay na namayapa na pagdating ng kanilang kaarawan.
“Pero ang hindi po nagustuhan ng mga kababayan natin, lalo na ng kanyang mga bashers yung itinuloy po niya may segue po ‘yun tungkol sa parang pagkontra sa pelikulang ginagawa ni Direk Daryl Yap, ang Matryr or murderer.”
Dagdag pa niya, “Kaya ito pong IG post niya bilang pagbati sa kanyang ama, hindi po ‘yun yung sinasabi ng ating mga kababayan na totoong dahilan bakit niya binati ang kanyang tatay kundi para pasinungalingan agad-agad yung sa Pebrero pa lang ipalalabas na pelikulang Martyr o Murderer.”
Sa tingin ni tita Cristy, mukhang makakahanap ng katapat ang Queen of All Media dahil paniguradong papalagan siya ni Daryl.
“Siyempre, si Direk Daryl Yap pa ba ang hinamon ni Kris. Aba’y kung hindi ka nakahanap ng katapat sa mga nakaraang panahon, palagay ko ikaw ang umimbento ng katapat mo ngayon kay Direk Daryl Yap. Papatulan ka niya.
“Ngayon pa lang, aware na kasi siya na yun ang tatakbuhin nitong pelikulang ito e na baka mamaya, mabago. Baka nga naman malagay sa alanganin ang kanyang ama. Kaya ngayon pa lang, pinoprograma na niya ang isip ng mga kababayan natin na hindi pwedeng palitan ang nakaraan,” aniya pa.