Advertisers

Advertisers

3 menor de edad ibinugaw sa dayuhan, nasagip sa Makati

0 140

Advertisers

Nasagip ang tatlong babae na edad 13 at 15 na ibinubugaw umano sa mga dayuhan sa isinagawang operasyon sa Makati City. Arestado naman ang dalawang bugaw.

Kinilala ang mga suspek sina Janel Dela Cruz at Katherine Sagun.

Sa operasyon na isinagawa ng mga tauhan ng District Special Operations Unit ng Southern Police District, nasagip ang tatlong babae na nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development.



“Nakakalungkot po ito kasi napakabata po ng mga biktimang ito lalo na ang 13-years-old,” pahayag ni Police Brigadier General Kirby John Kraft, hepe ng Southern Police District

Mahaharap ang mga suspek sa reklamong Expanded Trafficking in Persons Act at child abuse.
Samantala, nagsasawa na rin ng follow-up operations ang pulisya laban sa iba pang kasama ng grupong sangkot sa child sex trafficking.



“Immediately po nagsasagawa tayo ng operasyon nang sa ganon po madakip o maaresto natin itong mga taong involve po dito,” sambit ni Kraft.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">