Mayor Honey sa Manileño: “Mag-face mask kayo kahit ito ay optional
Advertisers
“KUNG kaya rin lang ninyo, mag-face mask kayo kahit na ito ay optional.”
Ito ang mismong payo ni Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng residente ng lungsod kasabay ng paghimok niya dito na patuloy na sundin ang minimum health protocols laban sa COVID-19.
Ginawa ni Lacuna, na isa ring doktor ang pahayag dahil kaliwa’t kanan na ang nagsasagawa ng Christmas gatherings at marami ang nagpapabaya at nakakalimot na sumunod sa basic protocols sa kabila ng ulat na tumaas na namang muli ang kaso ng COVID.
“I am happy that more are still wearing facemasks, either nakasananayan na or nag-iingat pa rin para walang sakit sa Pasko,” pahayag ng first lady mayor ng capital city.
Ipinapayo pa rin ni Lacuna ang pagsusuot ng facemasks kahit sa labas ng bahay lalo na kung ang lugar ay over crowded at imposible ang physical distancing.
“Hinihikayat namin ang health protocols gaya ng paghuhugas ng kamay, pag-maintain ng physical distancing at kung kaya lang rin lang, mag-mask kahit optional na ito,” dagdag pa nito.
Pinaalalahanan din ni Lacuna sa mga Manileño na itanim sa isip na dapat isuot ang facemasks pagpasok sa ospital at habang nasa loob ng mga lugar nito tulad ng laboratories, nursing homes, dialysis clinics, health care facilities, medical transports at ambulance.
“Even in public transportation be it land, air or sea dahil di maiwasang magkakatabi pa rin kayo,” pahayag pa ng alkalde.
Partikular na pinapayuhan ni Lacuna ang mga elderly, immuno-compromised, may mga comorbidities, pregnant, unvaccinated, unboosted individuals, lalo na ang mga may sintomas tulad ng lagnat, ubo, sipon, sore throat at iba pa. (ANDI GARCIA)