Advertisers
SWAK sa kulungan ang isang teller nang ibulsa umano nito ang mahigit P3 milyong cash na pondo ng sabungan sa Noveleta, Cavite, Biyernes ng gabi.
Kasong ‘Qualified Theft’ ang kinakaharap ng teller na kinilalang si Ruth Viray, dalaga, nasa hustong gulang at residente ng Cabanela St., Barangay San Antonio, Cavite City; matapos ireklamo ni Karla Denisse Jose, supervisor ng sabungan at residente ng Teachers Country Village, Barangay Magdiwang, Noveleta, Cavite.
Dinakip si Viray sa loob ng Noveleta Cockpit Arena sa Barangay Magdiwang 12:10 ng tanghali nang matuklasan sa isinagawang audit sa kanyang account na kulang ito ng P3,781,330.
Lumitaw sa imbestigasyton na unti-unting kinupit at nilustay ni Viray ang nasabing pera na umabot ng mahigit sa P3 milyon.