Advertisers

Advertisers

Arci nabuking sa post, dyowa na ang pamangkin ni Jinkee

0 188

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

TRENDING ang post ni Jinkee Pacquiao noong nasa South Korea sila na nakipag-bonding at selfie pa sa Korean actor na si Chang Woon.
Halos lahat ng nandoon ay kaanak ni Pacquiao at sa side ni Jinkee.
Nagtaka lang ang netizens na tila may naligaw na nandoon na ikinagulat ng mga Maritess.
Yes, si Arci Muñoz ay kasama rin sa Korea kaya tanong ng netizens kung bakit andun ang actress.
Makikita na katabi at kasama nito ang pamangkin ni Jinkee na si Seth Shannon Jamora.
Si Seth ay anak ng kambal ni Jinkee na si Janet Jamora.
Para masiguro ay dinalaw ng netizens ang socmed ni Seth at nabuking na may separate pics ang dalawa na magkasama.
May larawan pa si Seth na naka-post sa socmed account nito na naka akbay kay Arci.
Dahil sa larawan na ‘yun ay marami ang kinilig at napa-comment.
Well, wala raw problema kung magdyowa na sina Arci at Seth, wala naman siguro silang commitment sa iba at deserved din nila na maging happy.
***
Dahil 40 na…
Meryll type nang maging direktor
SA pag-amin ni Meryll Soriano ay matagal-tagal na rin ito sa industriya na kanya nang kinalakihan.
Sa ika-40th birthday ay gusto nito na ma-fullfil ang isa pa niyang hilig, ang pagdidirek.
Nakagawa na rin ng script si Meryll kahit paunti-unti.
Sa kanyang edad na kuwarenta ay timing na mag-shift na ito sa ibang field o bagong karera.
Na-inspired si Meryll sa ilang artista na nagdidirek din.
Wish ni Meryll na kahit isang pelikula ay makagawa ito hindi man this coming year ay sa mga susunod pang taon.
Nagbigay suporta ang kanyang partner na si Joem Bascon na happy sa pagkakaroon ng bunga ang kanilang pagbabalikan.
Si Guido na kanilang lovechild ay two years old na nga raw ngayon at nadede pa rin kay Meryll.
Bukod kay Guido na anak ni Meryll kay Joem ay may isa pang anak ang actress kay Bernard Palanca na si Eli.
Kita ni Joem na matutupad ang dream ng partner na si Meryll na makapagdirek ng isang film.
Kahit ang International singer na si Taylor Swift ay gusto na rin makapag direk na isa rin sa dream nito
Well, well, well…’Yun na!