Advertisers

Advertisers

Julia binigyan ng albularyo ng gayuma para kay Gerald

0 203

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA kanyang travel vlog, nai-feature ni Julia Barretto ang mystic town ng Siquijor sa Central Visayas na in-explore niya ang mga travel destinations sa naturang lugar.
Nag-food tripping din si Julia kasama ang kanyang team.
Unang stop niya ay sa munisipalidad ng Lazi na dinalaw niya ang Cambugahay Falls.
Nag-ala Tarzan siya sa pagtalon sa falls gamit ang baging.
Para naman siyang batang naglunoy sa paliligo sa falls.
Sinadya rin niya ang Kagusuan beach sa Maria na naging challenge sa kanya dahil kailangan pa niyang mag-trekking pababa mula bundok patungong dagat.
Gayunpaman, na-enjoy din niya ang pagtatampisaw at paliligo sa beach.
Sa Larena , doon naman siya nag-lunch habang ine-enjoy ang buong view ng scenic town from the top sa Triad coffee shop ng lugar.
Nag-shop din siya ng souvenir items at nag-try ng favorite bread niya sa kalapit na pastry shop sa nasabing tourist destination.
Isa rin sa dinayo niya sa Barangay Catabon ay ang quack doctor at massage healer sa naturang lugar.
Pinausukan at binugahan siya ng albularyo sa buong katawan, pinahiran ng langis sa noo at sumailalim sa ritwal.
Ayon sa albularyo, kailangan daw iyon para maitaboy ang masamang enerhiya o kanegahan sa kanyang katawan at proteksyon na rin sa mga taong may hindi kaaya-ayang tangka sa kanya.
Minasahe rin ng albularyo si Julia para ma-relax ito at matanggal ang lamig sa katawan nito.
Binigyan pa nito ang aktres ng potion na puwedeng ipahid sa katawan o isama sa inumin ng kanyang nobyo para mas marahuyo ito sa kanya.
Hindi rin niya nakaligtaang puntahan ang Gabayan Riviera na isa sa dinadayong resort sa Siquijor.
Bumisita rin siya sa mga lumang simbahan sa naturang bayan tulad ng St. Francis of Assisi church.
***
Direk Ralston Jover, positibo sa pagbubukas ng mga sinehan sa new normal
Positibo ang magaling at award-winning screenwriter-director na si Ralston Jover na magbabalik na ang interes ng moviegoers sa pagbubukas ng mga sinehan sa new normal.
Ayon kay Direk, matagal na nasabik ang mga tao sa mga magagandang panoorin kaya challenge rin sa filmmakers ang gumawa ng content na mas de kalibre sa mga napapanood sa mga streaming platforms.
Ani Ralston, masaya siya na after a year ay maipalalabas na rin ang pelikulang “Broken Blooms” na kanyang isinulat para kay Direk Louie Ignacio.
Ang multi-awarded movie na nakakopo ng humigit-kumulang na 15 international awards ay pinagbibidahan nina Jeric Gonzales at Therese Malvar at palabas na sa mga sinehan simula sa Disyembre 14.
Hirit pa niya, wala raw namang naging setback sa shoot ng pelikula dahil pareho sila ng language ng acclaimed director lalo na’t pareho silang filmmaker.
Ibinalita rin niya nag-lie low siya sa pagsusulat dahil nagkaroon siya ng prostate cancer bago pa magka-pandemya noong 2000.
Sa ngayon, natanggal na raw ang bukol niya sa prostate kaya nagpapasalamat siya na nabigyan pa siya ng second lease in life.
Si Ralston ang acclaimed screenwriter-director ng mga obrang “Bakal Boys”, “Hiblang Abo”, “Hamog”, “Latay”, “Dog Show” at marami pang iba.