Advertisers

Advertisers

Billy happy na nakalaya na sa preso ang kaibigang si Vhong

0 170

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ISA si Billy Crawford sa mga malalapit na kaibigan ni Vhong Navarro. Kaya naman masaya siya nang malaman na nabigyan ng temporary liberty si Vhong mula sa kinahaharap nitong rape case na isinampa ni Deniece Cornejo noong 2014.
Nakalabas si Vhong ng Taguig City Jail noong December 6, 2022 matapos magpiyansa ng isang milyong piso.
Non-bailable ang kasong rape, subalit pinayagan ng korte na makapagpiyansa ang actor-host.
Paliwanag ng korte, hindi kinakitaang may great presumption of great guilt si Vhong, kaya puwede itong pansamantalang makalaya.
“Syempre naman, sino ba naman ang hindi matutuwa sa balitang ito, especially itong Paskong to dapat magkasama ang mga pamilya, di ba?” sabi ni Billy nang ma-interview ni Mama Loi para sa Ogie Diaz Showbiz Update.
Patuloy niya,”“Actually, nag-text-an na kami ni Kuys [Vhong] and I’m just really happy sa kanya na, at least, makakasama niya ‘yung anak niya, makakasama niya ‘yung asawa niya, at magiging buo yung Pasko nila.”
Umaasa rin si Billy na magtuluy-tuloy ang pag-usad ng kaso ni Vhong sa maayos na paraan.
“Naging malungkot sa buong industriya at sa buong Pilipinas, actually, nung naikulong siya.
“Pero at the end of the day, sana ma-resolve nang tama at sana ipagdasal pa rin natin si Vhong kasi medyo mahaba-haba pa rin ang pagdadaanan niya.
“Siyempre, legal matters na ito hindi tayo puwedeng makisawsaw lang.
“So, kung ako lang, natutuwa ako dahil sa kaibigan ko na nakabalik siya sa pamilya niya ngayong Pasko,” aniya pa.
***
JAKE CUENCA BIDA NA SA MMFF ENTRY
NAGKAROON na rin dati ng pelikula si Jake Cuenca na kasali sa Metro Manila Film Festival tulad ng Mission Unstapabol: The Don identity at Ang Panday pero hindi siya ang pangunahing bida, support lang siya sa dalawang pelikulang nabanggit.
Pero this year na may kasali ulit siyang pelikula sa MMFF, siya na ang lead star, silang dalawa ni Sean de Guzman, via My Father, Myself mula sa 3:16 Media Network at Mentorque Productions.
“First time kong mag-lead for Metro Manila Filmfest, and so totoo lang, ngayon pa lang proud ako. Sobrang napaka-proud ko na ito din yung pelikula na pinagbidahan ko for the first time [sa MMFF]. Proud ako kasi walang takot itong pelikulang ito, e. At the same time, I’m very much honored yung first movie ko na Metro Manila Filmfest, Direk Joel Lamangan pa, napakaganda nun for my CV, for my portfolio,” sabi ni Jake.
Ang My Father, Myself ay pangatlong pelikula na ni Jake na si Direk Joel ang humawak, at um-oo raw agad siya pagkabasa ng script na sinulat ni Quinn Carillo.
“Oo! Mabilis ‘yung phone call, kasi nga talagang I really believe in destiny, e, I really believe that I was destined to do this.
“Tumatawag sa akin si Direk Joel, hindi normal sa akin ‘un, na may makita ako sa phone, may Joel Lamangan na tumatawag sa phone ko.
“Pagkasagot ko ng phone ko, five minutes talaga, sinabi sa akin ni Direk Joel yung challenges, kung ano yung kailangan kong gawin.
“Sinabi niya sa akin yung tema ng pelikula, then I said, ‘Yes, Direk, game na ko diyan!’ Wala pang script.
“Then nung nakita ko yung script, sobrang ganda nung script, at kaya naman yun din yung gusto kong klaruhin.
“Hindi po siya yung typical na pelikula pang-MMFF, di ba, yun naman po yun, pero ang totoo po niyan, kaya siya nakapasok sa MMFF, kasi napakaganda nung istorya,” aniya pa.