Advertisers

Advertisers

Newbie sexy actress Joana David palaban sa love scene sa ‘Pamasahe’

0 1,158

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

DESIDIDO ang newcomer na si Joana David na magmarka sa mundo ng showbiz. Kaya naman buo ang loob niyang magpaka-daring at maghubad sa pelikula.
Siya ay talent ni Lito de Guzman at naging Playboy Playmate of the year noong 2019.
Sa vital statistics niyang 36-24-36, boobs pa lang ay masosolb na agad ang mga barako kay Joana.
Nakatawang sambit niya, “Ang vital statistics ko ay 36-24-36 at sa totoo lang, pansin ko na karamihan sa boys, madalas ay nakatingin sila sa dibdib ko.
“Pero deadma lang naman ako sa kanila, basta ba huwag lang hihipuin itong papaya ko, puwedeng tingnan pero bawal ang touch. Ha-hahaha!
“Maituturing kong asset sa pagpasok ko sa showbiz ang aking boobey. Hahahaha!”
Si Joana ay may buwena manong pasilip sa pelikulang Pamasahe. Ito ang fist movie niya at napasabak agad sa matinding love scene rito ang sexy actress.
Ayon kay Joana, gumaganap siya sa pelikulang ito na pinagbibidahan ni Azi Acosta, bilang isang prostitute.
Pahayag niya, “Actually, noong una ay kinabahan ako kasi first movie ko ito, pero hindi na ako nailang pa, bagkus ay ginalingan ko na talaga. Kaya take one lang ang sex scene ko dahil sabi ni direk Roman, palaban daw ako dapat.”
Esplika pa ng seksing-seksing aktres. “Si Alvaro Oteyza ang ka-love
scene ko rito, ang role ko rito ay si Cindy, bale isang pokpok na ipinapadala sa barko para sa mga seaman… ako ang nagbibigay aliw sa kanila, hahaha! Quotang-quota nga ako sa kanila, eh hahaha!” Pahalakhak na saad pa ng aktres.
Pahabol pa ni Joana, “Isa lang po ang love scene namin sa movie, pero sa palagay ko ay exciting po ito… bale, iba-iba ang position na ginawa namin ni Alvaro, eh.”
Mula sa direksyon ng tinaguriang cult director na si Roman Perez. Jr., tampok din sa Pamasahe sina Mark Anthony Fernandez, Felix Roco, Julio Diaz, Rash Flores, Alvaro Oteyza, Chadd Solano, Shiena Yu, Shirley Fuentes, at marami pang iba.
Mapapanood na ngayon sa Vivamax ang Pamasahe.