Advertisers

Advertisers

Distribusyon ng Christmas boxes sa seniors sa Maynila, simula na

0 212

Advertisers

NATAPOS ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang distribusyon ng mga Christmas gift boxes sa lahat ng pamilya sa lungsod kaya naman sinimulan na rin ang pamimigay ng Christmas boxes para sa mga senior citizens.

Ito ang inanunsyo ni Mayor Honey Lacuna, nitong Lunes, December 12, sa huling araw ng distribusyon ng Christmas food boxes na pinangunahan nila ni Vice Mayor Yul Servo-Nieto.

Ang mga pamilya sa Maynila na nasa 695,000 ang bilang ay nagsimulang tumanggap ng food box noong December 1.



Maliban sa food boxes para sa lahat ng pamilya sa Maynila, mayroon ding inilaan na special gift packs para sa senior citizens ng lungsod na umaabot sa 179,000 .

Tiniyak ni Lacuna na lahat ng pamilya sa Maynila mayaman man, middle class at mahirap ay tatanggap ng food box na ang laman ay sapat upang magkaroon ng handa na pagsasaluhan sa tradisyunal na Noche Buena.



Sinabi ng spokesperson ni Lacuna na si Atty. Princess Abante na ang bawat isang Christmas food boxes ay naglalaman ng bigas, corned beef, spaghetti noodles at sauce, cheese, milk at fruit cocktail.

Ayon pa kay Lacuna, ang huling araw ng Christmas gift-giving sa 896 barangays sa Maynila ay noong Dec. 11.



“Pero hindi pa po duon nagtatapos ang lahat. Sa December 14 and 15 ay susunod naman ang pamimigay natin ng regalo sa may 179,000 nating senior citizens,” sabi nito.

Bawat kahon ay naglalaman ng coffee, tumbler at cookies.

Dagdag pa ni Lacuna : “Kaya sa mga nanay at tatay, lolo at lola, abangan nyo po kami. Abangan nyo ang munting regalo ng pamahalaang-lungsod ng Maynila. Dito sa ating lungsod, lahat ay pantay-pantay…ang gusto lang po namin ay maranasan nyo ang tunay na diwa ng Pasko at tunay na kahulugan ng “happiness.” (ANDI GARCIA)