18 HIGH VALUE TARGET AT P39M ILLEGAL DRUGS NADALE SA ONE TIME BIG TIME NG NCRPO, IPRINESENTA KAY DILG SEC. ABALOS AT PNP CHIEF
Advertisers
Umabot sa 18 high value targets ang naaresto sa isa na naman OTBT (One-Time-Big-Time) Law Enforcement Operation ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ipinakita ng NCRPO ang mga accomplishment sa isang linggong OTBT (One-Time-Big-Time) sa Anti- Illegal Drug Operations at Drug Surrenderers kaugnay ng “BIDA” Program kina Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos., Chief PNP, PGEN Rodolfo Azurin Jr., PDEA Chief, Usec Moro Virgilio Lazo, at USec Guilbert DC Cruz ng Dangerous Drugs Board (DDB).
Sa isang linggong One Time Big Time (OTBT) nito mula Disyembre 3 hanggang Disyembre 9, 2022, nagsagawa ng kabuuang 300 operasyon ang NCRPO kung saan 18 mga high value target, 384 street-level individuals, at 114 na personalidad na wala sa watchlist ang inaresto.
Sa mga operasyong ito, mahigit sa 5,790.35 gramo ng shabu at 2,074.32 gramo ng marijuana ang nasamsam at 357 kaso ang isinampa na may kabuuang PHP 39.639,224.14 halaga ng nakumpiskang iligal na droga.
Sinusuportahan ng NCRPO ang DILG sa paniniwala nito na ang susi sa epektibong pagbawas sa demand para sa iligal na droga ay ang sama-samang pagkilos na nakatutok sa grassroots sa parehong prevention at rehabilitation sa pamamagitan ng pagtataguyod ng anti-drug education sa bawat antas, mula sa national programs hanggang barangay activities at school events.
Sa puntong ito, ang kampanya ay hindi lamang nakatutok sa pag-aresto sa mga drug personality at pagkumpiska ng mga iligal na droga kundi pati na rin sa pag-abot sa maraming gumagamit ng droga para sa kanilang boluntaryong pagsuko at tulungan sila sa kanilang pagsisikap na baguhin ang kanilang pamumuhay at maging mas produktibong indibidwal. (CESAR MORALES)



