Advertisers

Advertisers

PCUP NALINLANG NG EX- BRGY. KAGAWAD SA TANAY!

0 20,542

Advertisers

Mga residenteng nahaharap sa mga demolisyon sa iba’t ibang kadahilanan ay isa ang PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP) ang nakapag-aasiste sa kapakanan ng madi-demolis at ng nagpapademolis na bahagi ng makataong pagtrato’t pagseserbisyo ng gobyerno.

Gayunman, sa isyu ng isang LAND OWNER sa isang lugar ng BRGY. MADILAYDILAY, TANAY, RIZAL ay mistulang “BINULAG” ng isang EX-BRGY. KAGAWAD ang mga kinatawan ng PCUP sa pagpapanggap na mahirap at BAHAY KUBO lamang ang bahay nitong nakatayo sa lupaing pag-aari ng namayapang HENERAL MILITAR sa administrasyon noon ni dating PRES. FERDINAND MARCOS SR ., dahil ang naturang EX-BRGY. KAGAWAD na si SALVADOR NEBRAN ay mayroong isang ektaryang lupang pag-aari sa di-kalayuan sa barangay hall ng kanilang lugar at ang BAHAY KUBO namang illegal na itinayo nito sa lupang pag-aari ng isang DIVINA PERALTA na asawa ng yumaong PC-INP GENERAL HERMOGENES PERALTA ay may mga pagkakataong doon din nito iginagarahe ang kaniyang kotse…, may kotse pero sa pagsusuri at klasipikasyong isinagawa ng PCUP ay “underprivileged and homeless citizens” at hindi “professional squatter” ang BRGY. KAGAWAD?

Ang ARYA ay hindi kalaban ng PCUP o ng anumang GOVERNMENT AGENCIES.., kundi kaisa ang kolum na ito sa magandang adhikain ng paggo-gobyerno.., kaya, ang naging tugon ng PCUP sa isang naikolum patungkol sa “heindrances” na kinakaharap ng LAND OWNER CLAIMANT ay personal na tinungo at nagsagawa ng pagsisiyasat sa lugar ng BRGY. MADILAYDILAY



PAGING PCUP CHAIRPERSON UNDERSECRETARY ELPIDIO JORDAN JR.., hindi sapat ang nakadepende ka lamang sa mga WRITTEN REPORT na isinusumite ng iyong mga tauhan dahil POSIBLENG ang mga ulat ay naglalaman ng mga mapanlinlang na sitwasyon.., kaya kinakailangan ng mga beripikasyon bilang pagpapatunay sa mga REPORT na isinusumite sa ibabaw ng iyong lamesa

Mga ka-ARYA.., ang tinatalakay natin ay ang ilang ektaryang lupa na pagmamay-ari ni GNG. PERALTA na noon pang May 10, 2012 ay pinasyahan na ng MORONG REGIONAL TRIAL COURT (MRTC) Branch 78 pabor sa una at ang mga omokupa sa kaniyang lote ay inaatasan ng korte na magsipagbayad ang mga ito ng halagang P10,000 kada-buwan sa kanilang illegal na pamamalagi sa lugar bilang kanilang renta.., na muli ay naglabas ng WRIT OF DEMOLITION ORDER si TANAY MUNICIPAL TRIAL COURT PRESIDING JUDGE ROBERT MARCELO noong June 22, 2015 upang bakantehin ang lugar para sa kapakanan ng lehitimong land owner.



Sa mandatong isinasaad sa URBAN DEVELOPMENT AND HOUSING ACT (UDHA) o ang REPUBLIC ACT 7279 ay nagsagawa ng PRE-DEMOLITION CONFERENCE na pinangasiwaan ng PCUP noong September 39, 2922 sa BRGY. HALL ng BRGY. MADILAYDILAY para sa kapakanan ng CLAIMANT, LGU at ng 60 ILLEGAL OCCUPANTS tungo sa mapayapang solusyon sa problema

Yun nga lang, walang maibigay na asiste ang LGU sa mga ILLEGAL OCCUPANT at dahil sa atas ng korte na bukod sa pinaaalis ang mga occupant sa lugar ay pinagbabayad pa sila ng higit tig-iisang milyong piso ay nakiusap na ang mga occupant na kusa na silang aalis at huwag na silang pagbayarin pa.., resulta ay 4 na barong-barong na lamang ang natira na kinabibilangan ni EX-BRGY. KAGAWAD.



Sa impormasyong nakalap ng ARYA.. , ang naturang EX-BRGY. KAGAWAD ang nagpapakilalang may-ari sa lupain ng CLAIMANT na nakapagbenta na rin ito ng ilang lote.., na ang mga nakabili ang tanging nakatayong konkretong bahay sa lugar.., wow USEC JORDAN, si EX-BRGY KAGAWAD ba ay “assessed and classified as “underprivileged and homeless citizens” and “not professional squatter?”

Ang HAMON NG ARYA kay USEC JORDAN, TANAY LGU at kay MORONG SHERIFF-IN-CHARGE TRUMAN DE SALITA .., personal po ninyong tunguhin ang lugar at hanapin ang sinasabing 60 families ganundin ang ektaryang lupain ni EX-BRGY. KAGAWAD na ikinategorya ninyong “homeless citizen”.., dahil kawawa naman ang LEGIT LAND OWNER na sa kabila ng atas ng korte ay hindi pa rin magamit ng nagmamay-ari ang kaniyang lupain.

Ang isyu pong ito ay naikolum ng ARYA noong November 29, 2022 na may titulong “PCUP, LGU TULOG SA PANSITAN?” na sinagot ito ng PCUP sa pamamagitan ng kanilang OFFICIAL STATEMENT subalit unang ipinadala sa PHILIPPINE NEWS AGENCY (PNA) na makalipas ang ilang araw bago ipinadala sa ARYA… gayong simula noong DUTERTE ADMINISTRATION ay regular na nag-eemail ang PCUP sa ARYA ng kanilang mga event at achievements na ikinokolum naman ng ARYA para maipabatid sa sambayanan ang kanilang mga naitutulong sa sektor ng mga MARALITANG TAGA-LUNGSOD!

***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.