Advertisers
Nitong nagdaang Christmas Party ng Paranaque City, kataka-takang “no where in sight” ang alkalde ng nasabing progresibong lungsod na si Eric Olivarez.
Ang kanyang City Administrator na si Atty. Voltaire dela Cruz ang nakita lamang ng mga empleyado ng city hall at ng mga taga-media na nagko-cover sa nasabing local government unit (LGU).
Asan nga ba si Mayor Eric?
Ang impormasyong nakarating sa atin ay nasa Tagaytay umano ang alkalde at may importanteng inaasikaso.
Pero mas importanmte pa ba ang nasabing commitment kesa sa sarili nitong Christmas Party sa city hall considering na first Christmas ni Mayor Eric ito bilang ama ng siyudad?
Di ba, mas dapat binigyang prayoridad ng alkalde na makasalamuha at makapiling ang kanyang mga opisyal at empleyadodyan sa city hall ngayong Kapaskuhan?
Samut-saring espekulasyon ang naglutangan.
Ang sabi ng ilang Marites, naka-schedule umanong mag-abroad ang younger brother ni Congressman Edwin Olivarez.
Kung ito man ay personal o official trip ay walang nakakaalam.
Wala rin sa Christmas party at gift-giving occasion ng City Council Secretariat si Boss Eric.
Si Congressman Edwin Olivarez naman ang nag-attend dito in behalf of Mayor Eric.
Again, kinuwestiyon ang absence dito ng alkalde.
Ano nga ba talaga ang nangyayari?
May impormasyon din tayong nakuha mula sa ilang sources na may personal at family problem itong si Mayor Eric na hindi naman natin sigurado kung totoo.
Mukhang tsismis lamang ata ito dahil wala tayong malapitang “credible source” to confirmed it.
Ang isang maugong lamang na usap-usapan ay ang tungkol sa maybahay nitong si Madam Aileen na tila hindi katanggap-tanggap sa ilang department heads ng city hall.
Parang lumalabas kasi na “kontrabida” ito sa paningin ng nakakaraming opisyales at empleyado ng Paranaque City Hall ngunit hindi lamang maibulalas nang harapan o maisa-publiko.
May paksyon umanong nabuo simula nang maupong alkalde ng siyudad si Mayor Eric nitong buwan ng Hulyo makaraang bitbitin di umano ng batang Olivarez ang kanyang misis na si Aileen at magsimulang makialam sa mga affairs ng city hall.
Ilan umano sa mga nakaupong opisyal na itinalaga ni Mayor Eric Olivarez ay mga certified Aileen’s protegees and men .
Ilan umano dito ay naging ka-klase pa ng kasalukuyang First Lady ng Paranaque City.
Kinukuwestiyon din ng marami sa mga career officials na Paranaque LGU ang presensiya sa city hall ng isang alyas CIELO na malapit din umano at identified na “TAO” ni Madam Aileen.
Kasama sa intrigang ibinabato kay alyas CIELO ay ang pakikialam umano nito sa mga kontratang dumaraan sa city hall partikular na sa tanggapan ni Mayor Eric.
Ang umano’y milyong pisong pagbili ng cellular phone “power banks” na di umano dumaan sa proseso o bidding ay isang isyu na ibinabato laban kay Mrs. Ailene Olivarez, alyas CIELO at sa liderato ni Mayor Eric..
Ang mga “power banks” umanong ito ay parte ng mga Christmas give-aways ng pamahalaang lungsod ng Paranaque na karamihan sa mga taga-media ay napagkalooban din.
Nais sana nating kunin ang panig dito ni Mayor Eric Olivarez at ng maybahay nitong si Aileen ngunit tila hindi ng mga ito tayo gustong paunlakan para sa isang interview.
Again, bukas po ang payak na pitak (column) na ito para kay Mayor Eric Olivarez at kay Madam Aileen para makuha ang kanilang sides sa mga artikulo o issues na ating natalakay na.
May numero po tayo ng telepono sa itaas na bahagi ng ating kolum na puwede po nilang kontakin at may email add din po tayo na puwedeng padalhan ng kanilang pahayag o panig just in case they decided to do so.
Humabol pa po ang isa pang isyu patungkol sa mga newspaper publications na hindi umano o ayaw pabayaran ng Paranaque City Hall dahil hindi umano ito nakapag-comply sa proper procedures at protocols.
Pero base naman sa naging pagpupulong ng mga publishers ng mga pahayagang ito at mismong si Mayor Eric, the later, (meaning Mayor Eric) decided to pay all these newspapers in a week’s time.
Nagbigay pa umano ito ng verval instructions sa kanyang City Administrator na si Atty. Voltaire dela Cruz na bayaraan ito sa loob ng isang linggo ngunit tila hindi nangyari.
Ayaw bang sundin ang utos na ito ni Mayor Eric ng kanyang sariling mga tauhan?
Bakit kaya ngayon lamang nagsulputan ang mga ganitong isyu dyan sa Paranaque LGU?
Samantalang nine (9) years na nanungkulan si Kuya Edwin Olivarez bilang punung-lungsod sa nasabing siyudad pero walang ganitong senaryo ang nakapangyari!
Ano nga ba ang problema?
Or shall we say, sino nga ba ang problema?
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com