Advertisers

Advertisers

Numero 6!

0 168

Advertisers

Paniwala ni Pepeng Kirat kaya jersey #6 ang suot ni LeBron James ay bilang pampaswerte sa kanya at anak na si Bronny.

Isinilang ang panganay ni LBJ na si LeBron Raymone James Jr. noong 6 October 2004 sa Cleveland Ohio.

Tingnan natin kung palarin nga ang mag-ama. Yan ay kung mag-abot silang maglaro sa NBA. na pangarap nila matagal na.



Marami na mag-tatay nagpakita ng husay sa liga pero sa magkaibang panahon. Sila palang kung sakali ang magiging player ng sabay. Malamang sa iisang koponan.

Mas maigi rin kung makasungkit ng kanyang ikalimang singsing sa numerong sais bago magretiro si King James..Abangan!



***

Bilib si Tata Selo kay Coach Goldwyn Monteverde ng UP Maroons. Isang game na lang kasi mag-back to back na sila bilang kampeon sa UAAP. Mukha madalawang sunod niya daigin ang foreign coach na si Tab Baldwin ng Ateneo.



Noong nasa high school ranks pa ang anak ni Mother Lily ay champion mentor na rin ito. Ilang beses nabigyan ng korona kanyang NU Bullpups.

Pati ang dating hinawakan niyang St Stephen HS at Chang Kai-chek mga nagsipanalo rin sa kani-kanilang liga.

Eka nga ni Tatang parang may magic touch si Goldwyn. Sakto pa sa pangalan niya. Gintong panalo!

***

Nagtataka si Ka Berong na hanggang ngayon walang nagpapapirma ng kontrata sa mga beteranong Carmelo Anthony, Boogie Cousins at Isaiah Thomas. Pwedeng-pwede pa raw maka-contribute ang tatlo lalo na sa mga batang team.

Veteran’s minimum lang naman magiging pasahod sa kanila na kayang-kaya kahit sinong prangkisa.

Si Dwight Howard hindi na nakahintay na tawagan siya ng isang manedyer ng NBA squad kaya nasa Taiwan na nagdridribol bilang import.

Napansin rin ni Kaka na ang apat na nabangit niya ay lahat naging Laker kahit sa sandaling period.