Advertisers
LAGDA na lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kulang para sa tuluyan ng maging ganap na Filipino ang American basketball player na si Justin Donta Brownlee.
Ito ay matapos na aprubahan na ng Senado sa ikatalo at huling pagbasa ang House Bill 6624 ng walang pagbabago mula sa bersyon na ipinasa ng lower chamber.
Mayroong 21 senador ang bumto ng pagpasa ng nasabing hakbang at wala ni isa ang kumuntra o nag-abstain.
Pinabilis ng mga mambabatas ang pagpasa ng panukalang batas dahil sa ikinokonsidera si Brownlee na kasama sa lined up ng Gilas Pilipinas para sa pagsabak nila sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero 2023.