Advertisers

Advertisers

2 patay, 6 sugatan sa bangga ng truck

0 145

Advertisers

Patay ang dalawang tao nang mabangga ng truck sa Catbalogan City, Samar, Sabado ng umaga

Sa ulat, parehong babae, na may edad 58 at 7, ang mga nasawi sa aksidenteng nangyari sa Barangay Socorro 10:50 ng umaga.

May edad 8 hanggang 39 naman ang anim na sugatan.



Ayon sa imbestigasyon ng Catbalogan police, may kargang mga sako ng bigas ang truck, na ipinarada ng driver sa gilid ng kalsada para tingnan sana ang umano’y pumapalyang brake ng sasakyan.

Pero bigla umanong umusad ang sasakyan at sumalpok sa nakaparadang sasakyan at bahay ng mga biktima.

Agad binawian ng buhay ang dalawang biktima dahil sa mga tinamong matinding sugat habang isinugod pa sa pagamutan ang mga sugatan.

Napag-alamang ang 58 anyos na nasawi, bumibili lang ng pagkain habang ang namatay na bata naman ay nakikipaglaro nang mangyari ang insidente.

Sumuko sa pulisya ang 36 anyos na driver ng truck.



Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.