Advertisers

Advertisers

Isa pang ‘utak’ sa pagpatay kay Percy Lapid at Jun Villamor lumutang

0 120

Advertisers

LUMUTANG na ang isa sa pinangalanan ng mga awtoridad na mastermind sa pagpatay sa beteranong radio commentator na si Percy Lapid at sa middleman na si Jun Villamor.

Ito’y matapos makita ang mga larawan ni dating Bureau of Corrections (BuCor) Deputy for Security Operations officer Ricardo Zulueta sa Facebook account ni Atty. Lauro Gacayan na nakabase sa Baguio City.

Nakasuot ng puting striped na polo shirt, maong at tsinelas si Zulueta habang nakaupo sa opisina ni Atty. Gacayan.



Paglilinaw ni Gacayan, hindi totoo ang ilang kumakalat na report na posibleng patay na o nasa abroad na si Zulueta.

“My client is not in hiding, abroad, or already dead,” ayon kay Gacayan.

Depensa niya, nasa ‘Pinas lang si Zulueta at hindi totoo na nasa America na ito.

Sinabi ni Gacayan na ang kuha nila ni Zulueta ay noong Martes lamang (Disyembre 13) sa kaniyang law office sa Baguio City, nang pormal na kunin siya nito bilang lead counsel.

Nauna nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na nagtago si Zulueta noong araw na isinampa laban sa kanya ang mga reklamong pagpatay kasama si suspended BuCor chief Gerald Bantag at ilang persons deprived of liberty (PsDL).



Sinabi ni Gacayan na posibleng na-misled lamang ang mga awtoridad sa paniniwalang nagtatago si Zulueta dahil may Igorot expression na “Matago Tago ka” na nangangahulugang “Have a long life!,” isang karaniwang pagbati sa Baguio City, na maaaring malito sa salitang Tagalog “magtago,” ibig sabihin ay itago.

Tumanggi naring magbigay pa ng komento si Gacayan kaugnay sa mga akusasyon sa kaniyang kliyente sa ngayon. Hihintayin aniya muna na makapaghain ng counter-affidavit bago magbigay ng panayam sa media.