Advertisers

Advertisers

IT’S THE SEASON TO BE JOLLY SA PARANAQUE CITY HALL

0 230

Advertisers

Totoo nga palang sa mga ganitong pagkakataon ay marami sa ating mga Pilipino ay nagsasaya.

Actually halos lahat ng mga Pinoy ay nagsasaya dahil sa papalapit na Kapaskuhan.

Tradisyon na ito sa lahat ng Christian countries sa buong mundo.



Pero ayon naman sa ilang kabaro natin sa hanapbuhay na naka- base sa siyudad ni Mayor Eric Olivarez,kakaibang kaligayahan ang tinatamasa ngayon ng ilang sampid na opisyales ng Paranaque City Hall.

Karamihan dito ay kahit anino ay wala o di nakikita sa nagdaang administrasyong ng dating alkalde,Kuya Edwin Olivarez.

Mga literal na sampid dahil di naman talaga taal na taga- Paranaque.

In short,ngayon lamang lumipat para manirahan sa Paranaque upang makapag- comply sa residency requirement upang maipuwesto sa mga juicy positions, di ni Mayor Eric Olivarez ha kundi ng misis nitong si Madam Aileen.

Ang masakit pa dito,mistulang mga basura at patapong mga opisyales ito mula sa isang bahaing siyudad kuno sa North of Manila.



Sa maikling salita, mistulang junk at segundamano ang kalidad ng pagkatao.

Kung ikukumpara sa mga damit,mga ukay- ukay!

Sabi nga,buti pa ang ukay- ukay,may class at kalidad.

Malayung- malayo sa mga dating opisyales na itinalaga sa posisyon ni former mayor, Kuya Edwin Olivarez.

Ang mga segundamanong opisyal na ito na sadya namang walang “K”as in walang karapatang maitalaga sa tungkulin ang siya pang naghahari- harian at nagmamando ng mga sensitibong departamento sa Paranaque LGU.

Bakas sa mukha ni Kuya Edwin Olivarez,congressman ngayon ng unang distrito ng lungsod ang matinding pagkadismaya.

Sino bang hindi sasama ang loob at mababahala kung kitang kita nya sa kanyang dalawang mata na naipagkaloob sa di tamang mga tao ang kapalaran ng mga minamahal nitong mga Paranaquenos.

Siyam (9) na taon nitong iginapang at pinagsumikapang umunlad ang Paranaque,tapos ibibigay lamang sa mga malatubang tao ang mga importanteng posisyon sa city hall.

Sa mga di deserving na mga opisyal dahil lamang sa dikta at kumpas ng isang Madam Aileen na wala namang item o posisyong hawak sa Paranaque City Hall except for being the wife of the sitting elected mayor!

Again,ang mga ito pa ngayon ang tila nasa ika-7 gloria sa Paranaque City Hall sa halip na ang mga lehitimong Paranaquenos!

What the fuck!

Sila ngayon ang labis ang kagalakan at naghaharing lahi sa city hall.

Pati mga importanteng transaksyones gaya ng mga kontrata ay pinanghihimasukan na.

Sadyang ayahay ang buhay ng mga pinagpalang ito.

Kahit pa nga makompromiso na ang kapakanan ng lungsod at ng mga mamamayan nito.

It’s really the season to be jolly sa mga taong ito na di ata tinuruan ng kanilang mga magulang na mahiya at magkaroon ng DELICADEZA!

Dahil magpa- Pasko na, di na natin pakakahabaan pa ang ating pagbanat sa mga KALAWANG na ito.

At panabay ng pagdiriwang ng kapanganakan ng Dakilang Manunubos, dalangin nating magising sa matinding bangungot ang mamamayan ng Paranaque nang pagsapit ng Bagong Taon ay KUSANG magsilayas na dyan sa city hall ang mga tinaguriang basurang opisyal na inanod lamang ng baha mula sa lugar ng CAMANAVA.

Kitakits tayong muli sa ating pagresbak sa isyung ito.

Till then…

Advanced Merry Christmas Mayor Eric Olivarez sir!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com