Advertisers

Advertisers

Tulak nakuhanan ng shabu sa brief

0 198

Advertisers

ARESTADO ang 27 anyos na lalaki nang mahulihan ng shabu sa brief sa isinagawang drug buy-bust operations sa Brgy. Balon Bato, Quezon City Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District station 3 Talipapa chief PLTCOL. Mark Janis Ballesteros ang suspek na si John Paul Santos, residente ng Brgy. Maysilo, Malabon.

Ayon kay Ballesteros nadakip ang suspek sa ilalim ng Tulay Quirino Hiway, Barangay Balon Bato, QC 10:50 ng gabi nitong Disyember 21, 2022 (Miyerkules).



Ayon sa ulat ng Talipapa police nagkasa ng drug buy-bust operation ang mga pulis laban sa suspek at bumili ng halagang P200.00 halaga ng droga nang iabot ng suspek sa poseur- buyer ang droga agad na dinakip ito nina PCpl. Melody Cabanilla at Pat. Guillermo Mano.

Nakuha rin sa suspek may 1 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800.00 halaga sa kanyang salawal.

Nakapiit ngayon ang suspek sa naturang himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong illegal drugs.(Boy Celario)