Advertisers

Advertisers

16 pasaway na online seller, kulong sa paputok

0 134

Advertisers

Kalaboso ang 16 na katao nang mahulog sila sa bitag ng Philippine National Police (PNP) habang nagbebenta ng ilegal at ipinagbabawal na paputok sa online.

Ayon kay PNP spokesperon P/Col. Jean Fajardo, nadakip ang mga ito sa ikinasang entrapment operation ng pulisya.

Sinabi ni Fajardo, walang ideya ang mga online seller na mga pulis ang customer nila at inakalang mga ‘sure buyer’ ang mga ito nang makipag-meet up sila para sa bayad sa mga paputok.



Aniya, magpapatuloy ang ganitong uri ng mga operasyon hanggang sa pagsapit ng Bagong Taon.

Samantala, ipinaalala ni Fajardo sa ipinatutupad na Executive Order No. 28 na naglilimita sa paggamit ng paputok sa mga community fireworks display habang pinapayagan naman ang pailaw at iba pang pyrotechnic devices na gamitin sa mga bahay.

Kabilang dito ang trumpilyo, whistle device, sparkler o Roman candle, lusis, fountain, butterfly at iba pang ligtas gamitin sa mga residential area.16 pasaway na online seller, kalaboso sa paputok.