Advertisers
Nasawi ang dalawang katao at 5 ang sugatan nang atakin ng mga amadong grupo ang komunidad ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Cotabato City, Martes ng madaling araw.
Inaalam pa ng pagkakakilanlan ng 2 nasawing biktima habang nilalapatan naman ng lunas sa Coatabato City Medical Center ang 5 mga sugatan.
Ayon kay Col. Querubin Manalag, Cotabato City Police Director, 1:00 ng madaling aaw ng salakayin ng may 20 mga aramdong kalalakihan sa pamumuno ng isang alias Sammy ang MNLF community sa Brgy Tamontaka 2, Cotabato City.
Nabulabog ang mga residente sa nasabing lugar nang dumating ang mga armadong salarin nang sinimulang paputukan ang ilang mga kabahayan. Tumagal ng 20 minuto ang pamamaril bago tuluyang tumakas ang mga salarin sakay sa ng bangka.
Agad naman dinala ang mga sugatan sa Cotabato City Medical Center kung saan 2 ang hindi na umabot ng buhay habang nilalapatan naman ng lunas ang 5 sugatan.
Sinabi ni Manalag na inaalam pa nila ang kung ano o sang grupo kabilang si Alias Sammy na taga Brgy Bitu, Datu Odin Sinsuat at motibo ng pagsalakay.
Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng nasabing insidente.(Mark Obleada)