Advertisers

Advertisers

Bangkay ng babae, natagpuan sa loob ng kotse sa Las Piñas

0 436

Advertisers

ISANG bangkay ng babae na may tama ng bala ng baril sa ulo ang nakita sa loob ng nakaparadang kotse sa Las Piñas City nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si Jennifer Mendoza, 29 anyos, isang skincare specialist, at residente ng Tondo, Manila.

Sa ulat, napansin ng mga guwardiya sa lugar ang duguang bangkay ni Mendoza sa loob ng kotse sa kahabaan ng C-5 Extension sa Pulang Lupa 8:00 ng umaga.



Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sinabing posibleng madaling-araw pa binaril ang biktima sa naturang lugar at sa mismong kotse.

“Ang lumalabas kasi sa construction namin ng SOCO saka ng investigator, bumaba muna ‘yung gunman bago siya binaril sa ulo. Tapos ‘yung shell kasi mismo nasa driver seat, pati ‘yung slug nandoon sa flooring kung saan nakaupo ‘yung driver,” saad ni PNP Parañaque City Police chief Colonel Jaime Santos.



“We found out na ‘yung victim nasa loob habang naka-on pa ‘yung makina… Tiningnan ko agad ‘yung gasolina, halos wala nang laman so more or less matagal na doon naka-park. Nakita namin na may mga dugo siya sa ulo tsaka sa flooring,” saad pa ni Santos.

Bukod sa nawawalang cellphone, tinitingnan ng mga imbestigador kung may nawala sa bag ng biktima.



Natunton narin ang rehistradong may-ari ng kotse, pero nalamang matagal na itong naibenta.

“Maaring robbery-holdup, maaaring relasyon,” ayon kay Santos tungkol sa posibleng motibo sa krimen.

Agad namang nagtungo sa tanggapan ng Las Piñas Police ang ina at mga kapatid ni Mendoza.
Wala raw silang alam na kaaway ng biktima, na naulila ang dalawang batang anak.

Sinabi ng pulisya na may lead na sila sa salarin ni Mendoza.

Ayon kay Gladys Biare ng Las Piñas City Police intelligence section, may mga nakalap nang kuha ng CCTV ang pulisya pero tumanggi muna siyang magbigay ng detalye.

Patuloy, aniya, ang imbestigasyon partikular ang backtracking sa mga rutang dinaanan o pinanggalingan ng babe bago siya natagpuan sa crime scene.

Nakuhaan na ng pahayag ng Las Piñas Police ang may-ari ng sasakyan.

Ayon sa pahayag ng may-ari ng sasakyan, Disyembre 26 pa nawawala ang kanyang TNVS na sasakyan dahil kinuha ito ng kanyang kapatid na lalaki.

Pinahiram niya sa kapatid ang sasakyan para magkaroon ito ng pangkabuhayan.

Mula noon hindi na niya nakita ang sasakyan na pinamamasada ng kanyang kapatid.

Sinabi rin nito na minsan na din nakulong ang kapatid nang masangkot sa illegal na droga at panghoholdap.

Patuloy ang paghahanap ng pulisya sa kapatid ng may-ari ng sasakyan.

“Siya ang magpapatunay sa sarili niya kung malinis ang konsensya niya, humarap siya para makita niya kung ano talaga nangyari, siya makapag-explain,” sabi ng may-ari ng sasakyan.