Advertisers

Advertisers

LTO seryoso sa paggiba vs mga fixers!

0 205

Advertisers

Huwag sanang “Ningas Kugon” pero mga Ka Usapang HAUZ batiin natin ng Congratulations ang pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) lalong lalo na sa namumuno rito Jose Arturo “Jay Art” Tugade sa matagumpay nilang pagbuwag sa mga fixers ng departamento.

Pinakikita lang ng LTO na seryoso sila sa pagwalis sa mga kalat na sumisira sa magandang pamamalakad ng ahensiya, biruin nyo mga Ka Usapang HAUZ swak sa rehas ang sinasabing hari ng fixer sa Lalawigan ng Antique, eh paano ba namang makakaalpas pa ito 24 warrant of arrest ang pinakawalan ng korte sa dating empleyado ng departamento.

Kaya mga Ka Usapang HAUZ muling nakapuntos ang Land Transportation Office (LTO) sa kampanya nito laban sa katiwalian makaraang maglabas ng 24 na kautusan ng pag-aresto laban sa isang dating kawani nito na inaakusahang “fixer” sa Antique.



Partikular na ipina-aaresto ng San Jose Municipal Trial Court ang isang Alfredo De Leon, na kilala rin bilang “Fred” De Leon o Alfredo Jose C. De Leon, dating kawani ng LTO Antique District Office.

Si De Leon mga Ka Usapang HAUZ ay nahaharap sa 12 bilang ng Falsification of Public Documents at 12 bilang ng paglabag sa Section 4(e) na may kaugnayan sa Sections 21 (h) at 22(b) ng Republic Act 11032 o ang “Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.”



Ang 24 magkakahiwalay na kautusan ay inilabas ni Hon. Gemma Bordon-Tady, Presiding Judge ng Municipal Trial Court sa San Jose, Antique.

Aabot sa P1.296 milyon ang halaga ng piyansa na hinihingi ng korte mula sa akusado.
“The filing of cases against this corrupt employee serves as an example that LTO offices around continue are doing everything to heed my call to stamp out corruption at their respective areas of jurisdiction. Crime really does not pay at the LTO,” pahayag ni LTO Chief Tugade.



Pinapurihan naman ni LTO Chief Tugade ang pagsisikap ng LTO Region 6 Office sa pamumuno ni Regional Director Eric Lenard Tabaldo at Assistant Regional Director Atty. Gaudioso Geduspan ll, gayundin ng mga kawani ng LTO Antique District Office, pati na ang Antique Provincial Prosecutor’s Office upang makapagpalabas ng mga warrant of arrest at ng magpatuloy ang proseso ng batas at pag-uusig sa dating tauhan na nasasangkot umano sa katiwalian.

Hiling naman ng Usapang HAUZ sa pamunuan ng LTO na bigyan rin ng pansin ang hindi makataong paniningil ng sobra ng mga transport group na ang sistema ay malayo malapit parehas ang pamasahe partikular sa mga terminal ng Eastern part of Metro Manila patungong lalawigan ng Rizal isa na riyan ang BITCO na nasa SM Mega Mall ang terminal.

Muli Congratulations LTO sa matagumpay na pagaresto sa tinaguriang hari ng fixers sa Antique, Keep up the Good Work” Mabuhay.

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036