Advertisers

Advertisers

Tinaguriang mga lingkod bayan sa Oriental Mindoro, maluluho pala?

0 228

Advertisers

SA GITNA ng suliranin kung papaano maresolba ang kakulangan ng gamut at delay na sweldo ng mga health workers sa Oriental Mindoro Provincial Hospital ay nakuha pa umanong bumili ng siyam na mamahaling sasakyan (Fortuner) ang Sangguniang Panlalawigan.

Taong 2019 hanggang 2021 ng mananalasa ang COVID-19 kung saan marami ang nasawi nawalan ng trabaho at pangkabuhayan na imbes tulungan ay bumili rin ng heavey equipments (backhoe at dumptruck) ang provincial government na ayon sa ulat gumastos ng mahigit P60-milyong piso?!

Mainit din na pinag-uusapan ngayon sa loob ng KAPITOLYO ang problema kung paano matulungan ang mga mahihirap na apektado ng malawakang baha.



Ayon sa natanggap nating reklamo wala umanong pakundangang paggasta ng pondo sa mga walang kabuluhang mga sasakyan, lalo’t isa umano ang nasabing probinsiya sa umanoy namomoblema kung paano makalikom ng pondo para mabayaran ang diumanoy pagkakautang sa kumpanya na supplier ng gamot.

Sabi ng nagrereklamo sana ginamit na lang ang milyones na pondo sa pagpapagawa ng kalsada, pagpapatayo ng karagdagang ospital, pagpapatayo ng eskwelahan, ayuda sa mga mag-aaral, tulong sa mga senior citizen at ayuda sa mga magsasaka at mangingisda.



Ipinakita lamang umano ng Pamahalaang Panlalawigan at SP ang kawalan ng “konsensiya” lalo na sa panahon ng pandemya kung saan hindi pa nakakabangon ang maraming mindoreño mula sa nagdaang malalakas na bagyo.

Dapat nakatutok ang Pamahalaang Panlalawigan at SP sa pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap.



Diba ang utos ng Republic Act (RA) No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, tulungan ang mga mamamayan na naghihikahos pero mukhang kabaliktaran yata ang ginawa ng mga maluluhong opisyal na tila ba mga “asyong aksaya”?.

Oo nga at sinasabi ng Republic Act (RA) No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, na otorisado ang lahat ng pamahalaan na i-re-allocate, i-reprogram at i-realign ang pondo o budget para gamitin pero hindi sa panahon ng pandemya.

Intende!

***

Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:30am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.