Advertisers
Nag-iimbita ang QUEZON CITY GOVERNMENT sa pamamagitan ng QC TOURISM DEPARTMENT ngayong Linggo na MAKISAYA ang lahat sa pagseselebra ng CHINESE NEW YEAR na isasagawa sa BANAWE, QC.
Ang QC TOURISM DEPARTMENT na pinangangasiwaan ni TETTA TIRONA ang mangunguna sa mga isasagawang programs na pasisimulan mula alas-10:00 ng umaga sa Linggo (January 22, 2023) sa gawi ng panulukang P. FLORENTINO at BANAWE AVENUE na inaasahang GUEST OF HONOR at KEYNOTE SPEAKER ay si PEOPLE’S REPUBLIC OF CHINA (PRC) AMBASSADOR TO THE PHILIPPINES HUANG XILIAN.
Sa nasabing selebrasyon ay makikibahagi ang QC ASSOCIATION OF FILIPINO CHINESE BUSINESSMEN INC. (QCAFCBI) na pinamumunuan ni JOAQUIN CO at ang QC CHINATOWN DEVELOPMENT FOUNDATION (QCCDF) na pinamumunuan ni CHARLES CHEN.., siyempre pa nangako ring dadalo sa selebrasyon si DISTRICT 1 REPRESENTATIVE JUAN CARLOS “ARJO” ATAYDE.
Ipinunto ni QCTD TIRONA na ang isasagawang selebrasyon ay isang paraan ng pagpapakita sa pakikipagkaisa sa mga FILIPINO-CHINESE COMMUNITY bilang katuwang ng kanilang lungsod sa pagpapatibay at pag-unlad.., na pamamaraan na rin para sa unti-unting pagbabalik sa normal mula sa epekto ng pandemya.
Ang ilan sa mga magsisilbing tagaaliw ay sina SHILO CHOY at SHAWN TAN na magsisipagkantahan at magpapakita naman ng talent sa WUSHU EXHIBITION ay ang PHILIPPINE WUSHU COLLEGES AND CLUB ASSOCIATION at sa mga nagnanais na malaman ang mga hula ay si FENG SHUI MASTER REV. FR. WONG SENG TIAN ang maghahayag ng kaniyang predictions para sa CHINESE NEW YEAR.
Magpapakitang gilas din ang PHILIPPINE KONG HAN ATHLETIC CLUB LION DANCERS.., PHILIPPINE CULTURAL CHINESE 20-PIECE ORCHESTRA.., CHINESE CULTURAL DANCE GROUP at PHILIPPINE INSTITUTE OF QC CHILDREN’S GLEE CLUB.
Kamakailan ay nilagdaan ni QC MAYOR JOY BELMONTE ang CITY ORDINANCE NO. 2453-2015 bilang pagkilala na ang QC CHINATOWN sa BANAWE ay Isa sa TOURISM DISTRICTS sa kanilang lungsod.
KUNG HEI FAT CHOI mga ka-ARYA!
***
EX-BJMP SPOKESMAN ANG BAGONG ZAMBONGA CITY JAIL WARDEN!
Dahil sa magandang performance sa propesyon ay itinalaga ni BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY (BJMP) CHIEF JAIL DIRECTOR ALLAN IRAL ang dating BJMP SPOKESMAN JAIL SUPERINTENDENT XAVIER SOLDA bilang bagong JAIL WARDEN ng ZAMBONGA CITY JAIL MALE DORMITORY.
“We are confident of Superintendent Solda’s leadership background and management experience and capabilities to improve the living condition in the biggest jail facility of Western Mindanao,” pahayag ni BJMP CHIEF IRAL.
Si SOLDA ay nagtpos ng kaniyang PUBLIC SAFETY DEGREE mula sa PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY (PNPA) noong 2008 at nag-masteral SA DEVELOPMENT MANAGEMENT COURSE sa DEVELOPMENT ACADEMY OF THE PHILIPPINES. Nagtapos din ito sa PRACTICAL PROJECT MANAGEMENT PROGRAM sa ASIAN INSTITUTE OF MANAGEMENT.
Sa kasalukuyan ay ipinagpapatuloy ni SOLDA ang kaniyang POST GRADUATE STUDIES sa PUBLIC MANAGEMENT sa ATENEO SCHOOL OF GOVERNMENT, ATENEO DE MANILA UNIVERSITY bilang iskolar sa ilalim ng DEAN DINA ABAD EMERGING LEADERS FELLOWSHIP PROGRAM.
“Malaking hamon ang ating kinakaharap araw araw ngunit kung nais nating mabago ang buhay ng mga kapatid nating nasa piitan, simulan muna natin ang mabuting pagbabago sa ating mga sarili at kung paano tayo nagsisilbi sa kanila at sa ating mga kababayan,” pagpapahayag ni SOLDA.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851para sa inyo pong mga panig.