Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA kanyang Twitter account, nag-post si Nadine Lustre ng kanyang karanasan kung saan dinog-show at inokray niya ang buhok na gayak ni Maricel Soriano sa isang horror movie.
Nakaka-relate rin daw siya dahil may kapareho siyang karanasan nang maging endorser ng isang cellphone company kung saan halos pagtawanan din niya ang kanyang hairstyle.
Aniya:”I was browsing for Filipino movies tapos nakita ko to… (referring to the Diamond Star’s hairstyle in “The Heiress”) Parang may naalala ako sa hair ni Ms. Maricel.”
Swabe namang nakipag-okrayan si Maricel sa sagot nitong:”Parang nakita ko na din yun, nak. Dun sa may tindahan ng cellphone? @hello_nadine”
Pagbati naman ang naging sagot ni Nadine kay Maria na:”Hello po Ms Maricel!! ???????????????”
Ganti naman ni Marya Kay Nadine:”Hi, President!!!”
Sa huli, nagyaya ang Diamond Star na sabay silang magpa-parlor sa kilala nitong hairdresser.
Samu’t sari ang naging reaksyon ng netizens sa kanilang palitan ng mga mensahe.
Anila, nagpaparamdam daw at atat si Nadine na makasama si Maricel sa isang proyekto.
May mga nakaamoy namang tila may binubuong kolaborasyon ang dalawa.
Suspetsa naman ng iba, nakatakda raw maging panauhin ni Marya sa kanyang vlog ang bagong box office star.