Advertisers
Ni JOVI LLOZA
UNTIL now ay ayaw pa rin tigilan si Dawn Zulueta na naispatan kasama sa entourage ni PBMM para sa pagdalo sa World Economic Forum na ginawa sa Davos, Switzerland.
Nagtataka ang netizens kung bakit nandoon ang aktres.
Kaya ang tanong, ano ba raw ang ginagawa or anong role ni Dawn sa nasabing World Economic Forum sa Davos.
Kasama ni PBMM ang asawa ni Dawn na si Anton Lagdameo.
Talagang di mapakali ang netizens sa pagsama or pagbitbit sa kanya sa Davos.
Wala naman daw problema kung sumama ito at kung sarili nilang gastos ang ipinamasahe ng aktres.
Hinamon pa ng netizens si Dawn na ipakita ang resibo.
Ayaw naman isipin ng netizens na ang pagpunta ng aktres doon ay pera ng bayan.
May kaugnayan ba raw sa pag-aten ni PBMM sa World Economic Forum ang pagsama ng aktres?
***
SA panahon na nasa kontrobersya ang mag-sissy na Toni at Alex Gonzaga ay parang ayaw muna nila i- entertain ang mga intrigang nagdaan kamakailan.
At ayaw muna nila pag-usapan ang mga taong may pangalan na “Allan”.
Kamakailan ay naging isyu ang batang Gonzaga at nag viral ang pamamahid nito ng icing cake sa waiter.
Nagulat ang Gonzaga family kung paano na-upload ang video samantalang mga close friend at family lang ang invited sa birthday bash ni Alex.
Natukoy ng kampo nina Alex kung sino ang nag-upload at di naman daw kasi invited si Dani Barretto na sumama lang sa mister na invited para mag DJ.
Kaya ask ng netizens kung may tampuhan ba sa pagitan nina Alex at Dani.
Samantala, kay Toni naman ay parang nagkaroon sila ng isyu ng kanyang impersonator na si Otin Gonzaga Soriano.
Allan Soriano naman ang tunay na namesung ng gay impersonator ni Toni G.
Kaya sa mag-sissy for the meantime ay ayaw na muna nila pag usapan ang namesung na Allan.
Well, well, well…’Yun na!