Advertisers
Ni WALLY PERALTA
HINDI lahat ng magagaling na artista na nag-ober da bakod mula sa pagiging Kapuso to being a Kapamilya actor ay nakababalik agad sa GMA-7 para gumawa ng proyekto.
Mabibilang yata sa daliri ang ilang masuwerteng actor na ‘pinabalik’ ng Kapuso Network. Isa na riyan ay si Sunshine Dizon na tsikang abalang-abala ngayon sa pagti-taping ng masasabing balik-Kapuso project niya, ang upcoming Kapuso Megaserye na “Mga Lihim Ni Urduja”, which stars Sanya Lopez, Gabbi Garcia, and Kylie Padilla, the stars of the 2016 version of Encantadia.
O di nga ba, isa si Sunshine sa original cast ng original version ng Encantadia 2005 with Karylle, Iza Calzado and Diana Zubiri.
Maraming natuwa sa tsikang pagbabalik Kapuso ni Sunshine, pero may mga nega naman sa kanilang komento sa bagay na ito. Na kesyo, liliipat-lipat daw si Sunshine, tapos babalik din pala.
“Wag pong kuda ng kuda hindi mo alam ang real story. wala akong na burn na bridge. I can work with anyone i want to work with. I can also choose not to work kung gusto ko. Wag masyadong nag mamarunong. TY,” response ni Sunshine to a now-deleted tweet made by a Kapuso fan.
May mga solid Kapuso naman ang winelcome si Sunshine.
“Welcome back.. niretweet ko lang ito kailan at heto natupad na nga.. sa GMA ka talaga nababagay.. Lead role ulit pls,” tweeted @MyDearestKD16.
***
ISANG masayang balita kay Janno Gibbs na ang pelikula nila ni Anjo Yllana na “Hello, Universe” ay ipalalabas na sa mga sinehan nationwide simula sa January 25. Una na kasing nailathala na via streaming ang showing ng kanilang movie. “Hello Universe” is a comedy-drama with a touch of fantasy written and directed by Xian Lim na ang istorya ng dalawang magkaibigan na kapwa may hang-ups sa buhay ang nabigyan ng isang adventure, ang makapunta sa alternative universe at doon nagbago ang takbo ng kanilang buhay, muli sa pagiging mahirap ay guminhawa.
Kumusta naman kaya bilang isang direktor si Xian na higit na mas bata sa kanila at may millennial thinking kumpara sa kanilang kapanahunan ni Anjo?
“Diktador siya. Hindi, joke lang!
Actually, bilib ako sa talent niya. Artista na, director at writer pa. Very artistic talaga siya, as he also plays the piano, he sings, he paints. He’s very open minded in asking us for our suggestions. As the director of our movie, he’s the captain of the ship and he really knows what he is doing.
Impressive ang script niya, pati ang shots niya, so go lang kami ng go sa kanya,” say ni Janno.
Kasama rin sa movie na “Hello Universe” sina Benjie Paras, Sunshine Guimary, Madeline Red, Joe Vargas, MJ Cayabyab, and Gene Padilla.