Advertisers

Advertisers

Alex mahilig gumawa ng kuwento para pang-Vlog?!

0 205

Advertisers

Ni WENDELL ALVAREZ

MARAMI akong natatanggap na message kung bakit tahimik ako sa trending na ginawa ni Alex Gonzaga, sa isyung pagpahid ng cake sa noo ng waiter na si Allan Crisostomo.
Nangyari ang kontrobersiya nuong 35th birthday ng little sister ni Toni sa isang restaurant sa Makati City.
Kabi-kabilang komento ang aming nababasa, may pabor at against sa influential vlogger, pero mas lamang ang hindi pumapabor sa kanyang ginawang pag-bully sa nasabing waiter.
Nahalukay nga ng mga magagaling sa internet ang komento ng magandang actress na si Heart Evangelista at sinabi niya “Taray at someone, especially if he’s guard or server. In fact, if I have a friend na hindi mabait sa waiter, hindi man lang mag thank you. Hindi ko appreciate yung taong ganon. Kasi for me, yan yun sukatan ko pag mabait ka. It is how you treat people around you”.
Kung natatandaan pa natin, nuong pumunta si Alex at Doctora Vicky Belo sa Europe, nag post siya sa kanyang social media account na inisnab daw sila ng misis ni Senator Chiz Escudero.
Nabasa ito ng mentisang actress at sinabi niya sa kanyang socmed na hindi sila nagkita sa fashion event kung saan siya present.
Agad-agad itong binura ni Alex nang malaman niyang nag-reak ang GMA artist.
Sinabi naman ni Dra. Belo, wala siyang kinalaman kung anong Marites ang ikinakalat ng anak ni Mommy Pinty.
‘Yon ang mahirap kay Alex hilig gumawa ng kwento magkaroon lang ng content sa kanyang vlog para dumami ang viewers.
Ang nangyari ngayong kontrobersiyal na ginawa niya ay isang wake-up call para magbago na siya. Ang akala niya kasi lahat ng tao ay natutuwa sa mga ginagawa niya.
Ayan, dahil ginawa niyang katawa-tawa ang isang waiter, ang nangyari ngayon People of the Philippines vs. Alex Gonzaga sa daming masasamang comments na kanyang natanggap sa social media, pati asawa at pananampalataya niya nadamay….Abaw Ah!!!
***
MAY nabasa akong isang post sa Facebook tungkol sa isang veteran female and belter singer na nagsasabing simula raw ngayon hindi na pwedeng kausapin ang kanyang manager sa lahat ng projects.
Kung mayroon daw gustong kumuha sa kanyang serbisyo dumiretso na sa kanya or sa anak niya.
Marami tuloy ang nagtataka kung anong nangyari sa veteran singer at sa manager niya at nag-post siya ng ganuon.
Ano ba raw talaga ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay as manager and talent.
Pag ganitong mga usapin walang ibang dahilan kundi pera. ‘Yun naman kadalasan ang pinag-aawayan ng talent at manager.
May nakapagsabi sa akin na kaya raw nagbigay ng notice itong magaling na female singer kasi nga niloloko siya ng kanyang manager.
Nuon daw kasagsagan ng campaign may hawak si manager na dalawang stars. Ipinalabas sa isang contract na ang kanyang serbisyo ay free sa madaling sabi kakanta siya sa mga sortie na walang bayad.
Pero sa isang contract star na hawak ng manager doon nakalagay kung magkanong talent fee ang kanyang natatanggap.
May nakausap ang subject natin na umano’y nakita niyang malaki pala ang TF niya during the campaign. Agad niyang sinabi na tulong lang daw iyon ang pagsama-sama niya nu’ng panahon ng kampanya at wala siyang natatanggap, kasi nga gusto niya’ng tumulong.
Sinabi ng kausap niya iyon hindi nga kilalang singer ay malaki ang bayad, ikaw na isang Diva pumapayag ka ng libre?
Doon napagtanto ng subject natin tama naman ang sinasabi ng kanyang kausap kaya kinumpronta niya ang kanyang manager.
Siguro sa pagtatalo nilang dalawa lumabas ang katotohan na talagang niloloko siya ng kanyang manager. Sino kaya ang nagwagi sa pagtatalo ng dalawa? O Ayan kapatid na Blessie kilala mo na kung sino ang subject natin….Abaw Ah!!!