Advertisers
ANG Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay siguradong matutuloy sa Oktubre, sabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia nitong Sabado.
“I’m very sure — based on my assessment of the situation and also of the commission en banc — that the barangay and SK elections will push through in October 2023,” sabi ni Garcia nang kapanayamin ng media sa Bongao, Tawi-Tawi kungsaan nagmo-monitor siya voter registration dito.
Sinabi niyang kasalukuyan nang iniimprinta ang mga balota para sa October elections at inaasahang matatapos ito sa Pebrero.
“That is really early — the earliest in the history of printing ballots. And that’s good so that we are at least prepared,” ani ng Comelec chief.
Noong July 2022, pinirmahan ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang Republic Act No. 11935, nagpaliban sa BSKE para sa October 2023.
Ang BSKE ay dapat ginanap noong December 5, 2022. Sa ilalim ng bagong batas, ito’y gaganapin sa Oct. 30, 2023, at kada tatlong taon pagkatapos nito.
Huling nagkaroon ng BSKE noong May 2018, matapos ang tatlong postponements sa ilalim ng Duterte administration.
Samantala, inaabangan ang magiging decision ng Korte Suprema sa petition ni Comelec lawyer Romy Macalintal hinggil sa kapangyarihan ng Kongreso sa madalas na pagpaliban sa BSKE.
Ayon sa Korte Suprema, priority nitong lutasin ang isyung ito ngayong Enero ng taon.