Advertisers
Nasawi ang apat na mga drug suspek habang nagkakahalaga ng P460 million ng iligal na droga ang nakupiska at nadakip ang 6,248 drug suspek ng Philippine National Police (PNP) sa isinagawang mga police operation sa buwan ng Enero taon kasalukuyan.
Ayon kay PNP Chief Gen Rodolfo Azurin, sa isinagawang 4,632 police operation 4 ang nasawing drug suspek nang malaban ang mga ito sa mga operatiba. Nakakumpiska rin ng shabu na nagkakahalaga ng P460,106,164.49 million; at pagkakadakip sa 6,248 drug suspek.
Binigyaan diin ni Azurin na ginawa ng PNP ang lahat ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa sa mga isinagawang operasyon.
Sinabi ni Azurin na bahagi ng progrma ang matagumpay na mga drug operation na nakapaloob sa Anti-Illegal Drugs Operations through Reinforcement and Education (ADORE).
Tiniyak rin ni Azurin na hindi titigil ang PNP sa kampanya kontra iligal ma droga hanggang sa tuluyang ito masugpo upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng komumidad. (Mark Obleada)