Advertisers

Advertisers

2 na sangkot sa madugong robberies sa Japan, na-deport na

0 190

Advertisers

DALAWANG hinihinalang miyembro ng sindikato na sangkot sa madudugong nakawan sa Japan ay na-deport na nitong Martes.

Sa isang pahayag, ibinahagi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na sina Fujita Toshiya and Imamura Kiyoto, parehong 38 anyos ay naipatapon na pabalik ng bansang pinagmulan nito sakay ng Japan Airlines patungong Tokyo.

Ayon pa kay Tansingco, naghanda sila ng maximum security upang matiyak na maayos ang deportation ng dalawang high profile criminals.



Sina Fujita at Imamura ay markado ng Japanese government bilang mga pugante sa batas dahil may mga warrants of arrest na ang mga ito.

Si Fujita ay nasakote ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI sa Barangay Anilao Proper sa Mabini Batangas noong February 21, 2021, at kinilala ng mga Japanese authorities bilang senior member ng isang organized fraud group, phone scam. May inilabas na arrest warrant laban kay Fujita sa Tokyo.

Si Imamura ay naaresto pagkatapos ng Pasko noong 2019, matapos magtangkang umalis sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, via Cebu Pacific flight patungong Macau. Siya ay may warrant of arrest sa kanyang bansa dahil sa kasong theft.

Sila ay naharap din sa kaso sa Pilipinas, pero na-dismissed.

Ang dalawa ay na-deport dahil sa violation of terms and conditions of their visa dahil sa pagiging pugante at banta sa public interest.



“While the identity of “Luffy” is not yet confirmed, we are working with the Department of Justice and the Japanese authorities to be able to expedite the deportation to give more clarity to this case,” sabi ni Tansingco.

Ang dalawa pang suspek ay nanatili sa pasilidad ng BI sa Bicutan habang hinihintay ang resolusyon ng kanilang mga kaso dito. Sila ay agad na ipapatapon kapag nakatanggap na ng kumpirmasyon na naresolba na ang kanilang kaso.

“The arrest and deportation of these fugitives is a huge win for the Philippine government, as we will not rest until these international criminals are sent back and banned from our country,” sabi ni Tansingco. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)