Advertisers
Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang taxi driver nang pagtulungang gulpihin ng tatlong lalaki.
Kinilala ang biktimang taxi driver na si Sonny Ratreta.
Kuwento ni Sony, hinataw rin ng tubo ang kanyang ulo at sinaksak pa siya sa balikat.
Ang pangunahing salarin sa krimen, ang dating asawa ng kanyang ka-live partner, labing apat na taon na ang nakakaraan.
Sabi ni Sonny, kauuwi lamang niya nang makarinig siya ng malakas na kalampag sa labas ng kanilang bahay.
Hinahampas na pala ng mga salarin ang kanyang taxi gamit ang mga tubo ng tubig.
At nang komprontahin niya ang mga ito, dito na siya pinagtulungang paggugulpihin ng mga salarin.
Ayon sa hepe ng La Loma Police station na si PLtCol Romil Avenido, nakainom ang grupo ng mga salarin nang sugurin ang biktima.
Nahuli naman ng mga pulis ang pangunahing salarin na di pa pinangalanan, samantalang pinaghahanap na ng mga awtoridad ang dalawang kasamahan pa nito na nanggulpi sa biktima.