Advertisers

Advertisers

2/3 ng active senators ang makaboboto sa impeachment

0 5

Advertisers

NILINAW ng tatlong retiradong Chief Justice ng Korte Suprema na ang ibig sabihin ng 2/3 ng boto para ma-convict ang isang impeachable official ay base sa kung ilan ang Senador na aktibong lumalahok sa impeachment trial.
Nagsalita bilang isang amicus curiae o kaibigan ng Senate Impeachment Court, sinabi ni retired Chief Justice Artemio Panganiban na ang 2/3 ng 24-miembro ng Senado ay mathemathically 16, pero ang constitutional calculation ay hindi aniya palagi nagtatapos rito ang calculation. Mismo!
Ganito rin ang naging interpretasyon ng dalawa pang retiradong Chief Justice ng Kataastaasang Hukuman na sina Hilario Davide, Jr. at Reynato Puno.
Sinabi ni Davide na ang tanging mga Senador na qualify bomoto ay considered “all members of the Senate”.
“Article X1, Section 3 (6) should have simply stated that the number of votes to convict is 16, period. But Article X1, Section 3(6) didt not say so. Instead, the language used a fraction,” diin naman ni Puno.
“But more than that, a strict, standalone literal interpretation of Article X1, Dec 3 (6) may result in absurdities and may result in injustices which will defeat the purpose of the Constitution,” dagdag pa ni Puno.
This means ‘yung mga nakakulong sa Plunder at nagtatago sa batas ay disqualified. Aray ko!
Sa ngayon, tatlo sa 24 senador sa simula pa ay ‘di nakakalahok sa Impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Ito’y sina Jinggoy Estrada, Rodante Marcoleta at Ronald “Bato” Dela Rosa.
Nakakulong sina Estrada at Marcoleta sa Plunder, habang nagtatago si Dela Rosa dahil warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga extrajudicial killings noong Chief PNP siya sa administrasyong Rody Duterte.
May posibilidad din na makulong sina Senador Alan Peter Cayetano at Sen. Loren Legarda na kapwa iniimbestigahan ng Ombudsman sa kasong Plunder.
Si Cayetano ay pinaiiimbestigahan sa Ombudsman ni Sen. Ping Lacson hinggil sa mga katiwalian sa mga proyekto sa Taguig City, bukod pa rito ang isinampang reklamo ng NBI sa DoJ hinggil sa overpriced cualdron sa 2019 SEA Games na nagkakahalaga ng P50 million, pero ayon sa NBI ay P5m lang ang halaga at dalawang beses pa raw binayaran. Aray ko!
Si Legarda naman ay iniimbestigahan ng Ombudsman sa  Solar controversy nila ng kanyang anak na si Rep. Leandro Leviste ng Batangas.
Kapag nagkataon, limang senador ang ‘di makakalahok sa botohan sa araw ng paghuhukom  kay VP Sara. Ibig sabihin ay 19 lang ang makakapag-participate.
Ang 2/3 ng 19 ay 12. Boom!
***
Nakapasa na sa 3rd at final reading sa Kongreso at Senado ang pagpahaba sa termino at pagpaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).
Hindi na ito dadaan pa sa Bicameral conference dahil in-adopt na ng Kongreso at Bill ng Senado. Iaakyat na ito sa lamesa ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.
Nasa mga kamay na ni PBBM kung ibabasura niya o ibabalik sa Senado ang panukula kung may nais siyang ipabago.
Ang filing ng Certificate of Candidacy (CoC) ay sa sunod na linggo na.