Advertisers

Advertisers

P245m nilamon ng apoy, 1 sugatan sa sunog sa Araneta bus terminal

0 145

Advertisers

TINATAYANG 245 milyon piso halaga ng mga ari-arian ang nilamon ng apoy habang isang fire volunteer ang nasugatan ng masunog ang Araneta bus terminal nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Quezon City district Fire Marshall F/Senior Supt Aristotle Bañaga, ang nasaktan na si Jonh Grego, 27 anyos, na nagtamo ng back pain nang mahulog sa pag-apula sa apoy.

Sa ulat, 4:46 nang hapon ng magsimulang tupukin ang bus terminal sa Araneta Time Square St. Barangay Socorro, Q.C.



Ayon sa report, lumabas na dahil sa kalumaan na rin ng gusali kaya mabilis na lumaki ang apoy at umabot sa Task Force Bravo ang alarma.

Halos apat na oras din bago ideklarang fire under control ang apoy ng Bireau of Fire and Protection (BFP) 8:20 ng gabi.

‘May kalumaan na yung mga structure, It was constructed 1974, kaya mabilis na lumaki ang apoy at umabot sa Task Force Bravo ang alarma, nagpapasalamat naman tayo at iisa lamang ang injured” saad ni Bañaga.

Sinabi pa ng opisyal na isa nilang fire truck ang nasunog ang harapang bahagi dahil sa lakas na rin ng apoy.

Samantala, muling su-miklab ang apoy sa isang tindahan nang nasunog na terminal ilang oras nang ideklarang fire out Bi-yernes ng tanghali.



Agad napasugod ang mga bumbero ng Quezon City Fire Department sa lugar at mabilis na inapula ang apoy at hindi na kumalat.

Sa kasalukuyan patuloy pa rin iniimbestiganhan ng BFP ang pinag-ugatan ng apoy na naunang sinabi na nagmula ito sa barracks ng mga guwardiya. (Boy Celario/Fred Salcedo)