Advertisers

Advertisers

‘ANO BA TALAGA KUYA?’

Lacson sa nakalilitong pahayag ni Duterte sa katiwalian sa PhilHealth:

0 217

Advertisers

“Ano ba talaga, kuya?”

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ito ang karaniwang reaksyon ng publiko sa mga bagay na nakalilito, bagay na inihalintulad ng senador sa aniya’y nakalilito ring pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte sa isyung kinahaharap ng PhilHealth.

Pahayag ni Lacson, naghatid kasi ng nakalilitong mensahe ang naging pahayag ni Pangulong Duterte kung saan iginiit nito na tiwala pa rin siya kay Health Sec. Francisco Duque III, at wala siyang nakikitang rason na makasuhan ito sa kabila nang pagkakadawit nito sa anomalyang kinasasangkutan ng ahensiya.



Saad ni Lacson, kahit na iginiit pa ng pangulo na malaya ang task force na siyasatin ang anomalyang kinahaharap ng PhilHealth ay mistulang ipinahihiwatig nito na iba ang usapan pagdating kay Duque.

Matatandaang una na kasing sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na posibleng mayroong mga matataas na opisyal na mapasama sa susunod na rekumendasyon ng task force na masampahan ng kaso, kung saan tahasang idinipensa ng pangulo si Duque at sinabing wala siyang nakikitang rason para masampahan ng kaso ang isang inosenteng indibidwal.