Advertisers

Advertisers

Rider pinatay sa onsehan sa droga

0 173

Advertisers

PATAY ang isang lalaking nakamotorsiklo nang pagbabarilin, Lunes ng madaling araw sa Parañaque City.

Sa report na isinumite kay Parañaque Police chief Colonel Renato Ocampo, dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na inilarawang nakasuot ng itim na t-shirt at kulya gray na maong pants, may tattoo sa braso at tinatayang nasa edad 35-40 taon gulang.

Nasa tabi ng bangkay ng biktima ang kanyang kulay pula at itim na NMAX na may conduction sticker MV 1303-0903698.



Napag-alaman sa imbestigasyon na apat na kalalakihan ang hindi pa nakikilalang suspects ang pumaslang sa biktima kungsaan ang tatlo sa mga ito ay nakasakay sa isang kulay puti na JDCM Vios taxi (ATA 8397) habang ang isa naman ay nakasaksay sa isang motorsiklo na hindi naplakahan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Parañaque City Police Station (CPS), nangyari ang pamamaril sa biktima 12:08 ng hatinggabi sa kahabaaan ng E. Rodriguez Avenue tapat ng McDonalds, Barangay Moonwalk, Parañaque City.



Makikita sa nakalap na CCTV footage ng Parañaque City police, makaraang mag-park ng biktima ng kanyang motorsiklo sa tabi ng kalsada, ilang sandali lamang bumaba ang isa sa tatlong salarin na lulan ng nakasunod na taxi.

Binaybay ng bumabang salarin ang gilid ng kalsada at pagtapat sa biktima ay pinaputukan ito at sumakay sa taxi na kanyang sinasakyan.



Bumagsak ang biktima, at bumaba naman ang isa pang salarin na nakasakay sa motorsiklo at may kinuha sa biktima bago ito tumakas lulan ng kanyang motorsiklo.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na onsehan sa droga ang motibo ng pagpaslang base narin sa mga mensahe sa narekober na celfon ng biktima.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa Land Transportation Office (LTO) upang ma-trace kung sino ang may-ari ng taxi na ginamit na get-away vehicle ng mga salarin.