Advertisers

Advertisers

2 bagets lumabag sa curfew, pinagsasampal ng tsinelas ni Kapitan

0 414

Advertisers

PINAGSASAMPAL ng tsinelas ng isang barangay chairman ang dalawang binatilyo sa San Pablo City, Laguna nang mahuli ang mga ito sa paglabag sa quarantine protocols.
Sa ulat, nahuli ng barangay chairman na walang suot na face mask ang dalawang binatilyo na kapwa 15-anyos sa labas ng bahay 7:00 ng gabi ng July 18 sa Barangay San Crispin, San Pablo City.
Ayon sa report, bakas pa ang mga latay sa leeg at mukha sa dalawang biktima ng pananakit ni Chairman Abner Dionglay.
Sa pahayag ng dalawang binatilyo, hindi lamang sampal ang tinamo nila kundi mga banta rin sa kanilang buhay.
Ipinadala pa ni Dionglay sa police station ang dalawa, pero pinauwi rin.
Nagalit ang isa sa mga nanay ng dalawang binatilyo sa sinapit ng kanyang anak, lalupa’t nalaman niyang nasa impluwensya umano ng alak ang opisyal nang gawin ang pananakit.
Pormal nang nagsampa ng reklamo ang mga pamilya ng mga biktima.
Tumanggi magbigay ng kanyang panig si Dionglay. (PFT team)