Advertisers
Gandang umaga po. Dito po sa Pasig City, sa barangay kanto ng Acacia yun mga brgy. frontliner daw sila pero mga walang face mask. Dikit-dikit po sila. Paki-aksyon po sana. Dito ito sa Brgy. Pinagbuhatan. – Concerned citizen
P500 monthly social pension ng seniors kulang na kulang sa gamot-maintenance
Dami nagbigay ng donasyon kay Isko. Pay Maya social pension wala pa mga senior, pambili namin ng maintenance. Di naman sa nagrereklamo ako. Sa totoo lang ang benepisyong binibigay sa mga senior na P500 isang buwan para sa 5 araw ko lang gamot yan. Mura pa ang gamot kumpara sa iba na P100 ang isang piraso e ilang klaseng gamot yan? Kaya ang P1,500 na pension para sa 15 araw ko lang yan, may discount pa yan ha. Pano ang 15 araw na pambili? Wala! Mag-aantay pa uli kami ng 3 buwan para mabigyan ng P1,500. Ano iinumin namin sa 2 buwan at kalahati? Sa katulad ko wala naman inaasahang kita. Papasanin ito ng anak ko nagtitinda lang almusal sa labas ng bahay. Magkano kita? P400 kung maubos ang paninda. P250 kapag hindi. Kakainin pa namin, 7 kami sa pamilya. Siempre kelangan magtabi ng P100 a day para sa pambayad ng ilaw at tubig. Kaya madalas wala nang maibigay ang anak ko pambili ko ng gamot. Sabi ni Isko gagawin daw niya P1k ang pension. Asan na? – Juan po ng Tondo
Kotong MTPB sa harap ng North Cemetery
Gud am po. Ako po ay driver ng trak . Ito po bang mga trapik enforcer ng MTPB mga stay-in po ba ng Manila City hall? Kasi araw-araw po dito sa may Caltex, tapat ng Manila North Cemetery, mga nagdidilihensya sila P300 or P500 kada trak. Grabe na po sila. Dapat makarating ito kay Yorme. Mga pito sila, mga naka motor. – Trak drayber