Advertisers

Advertisers

APLAY NA: HIGIT 20K BAKANTENG POSISYON SA GURO

0 26

Advertisers

NANGAKO ang Department of Education (DepEd) hanggang sa buwan ng Agosto ay mapupunan na ang mahigit 20,000 bakanteng posisyon para sa mga guro sa buong bansa.

Inihayag ito ni DepEd Underecretary Wilfredo Cabral sa pagtalakay ng House Committee on Appropriations sa paggastos ng DepEd sa pondo nito.

Pahayag ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro, taon-taon ay humihingi ang DepEd ng pondo para sa pag-hire ng 10,000 mga guro.



Sagot naman ni Cabral, noong Nobyembre 2023 ay nag-isyu na ang DepEd ng memorandum sa mga regional directors at superintendents at pinasumite sila ng catch-up plans.

Sinabi ni Cabral, sa ngayon ay 30% sa nasabing bakanteng posisyon ng mga guro ang napunan na at naglagay na rin sila ng monitoring system sa lahat ng rehiyon.