Advertisers

Advertisers

FDA nagbabala laban sa misbranded face masks

0 246

Advertisers

NAGBABALA ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga healthcare professionals at sa publiko laban sa pagbili at paggamit ng mga ‘misbranded face mask products,’ na mabili at kumakalat ngayon sa merkado, bunsod na rin nang patuloy na banta ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa inisyung advisory ng FDA, nabatid na kabilang sa mga naturang misbranded na face masks ay ang Fu Le Bang Disposable Mask, Flag World Face Mask, at MAsk, dahil ang mga instructions sa packaging nito ay pawang nakasulat sa dayuhang lengguwahe.
Anang FDA, alinsunod sa Republic Act 3720 o Food, Drug and Cosmetic Act, maituturing na misbranded ang produkto kapag ang mga impormasyong nakasaad dito ay ginamitan ng salita o disenyo na hindi mababasa o mauunawaan ng isang ordinaryong indibidwal.
Sinabi ng FDA na ang paggawa, importasyon, eksportasyon, pagbebenta, pag-aalok para ibenta, distribusyon, transfer, non-consumer use, promosyon, advertising, o pag-sponsor ng mga naturang produkto ay mahigpit ring ipinagbabawal sa ilalim ng batas.
Inatasan rin naman nito ang kanilang Regional Field Offices at Regulatory Enforcement Units na tiyaking hindi maipagbibili sa merkado ang mga naturang produkto at hinikayat ang Bureau of Customs (BOC) na pigilan ang pagpasok ng mga naturang produkto sa bansa. (Andi Garcia)